^

PSN Opinyon

Marami nang Pinoy ang walang trabaho sa US

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMING Pinoy ang nawalan ng trabaho rito sa     US. Ayon sa report, sa Washington D.C., tinatayang 51,000 Pinoys ang nawalan ng trabaho sa loob ng pi­tong buwan.

Matindi naman ang nangyari sa California. Tinanggal ni Californina Gov. Arnold Schwarzenegger ang 20,000 empleado. Binawasan din ang suweldo nang mahigit 200,000 empleado.

Ang nangyayaring ito sa US at ay nagpapatunay nang pagbagsak ng kanilang ekonomiya.

Minamalas nga yata ang mga Pinoy. Taghirap na nga sa Pilipinas ang pamumuhay, pati dito rin sa US ay tagilid din ang kanilang kalagayan. Dadaan pa raw ang ilang buwan bago makabawi ang US sa pagbagsak ng kani-lang ekonomiya.

Mabuti at bumaba na ang presyo ng gasolina rito. Ma­aari pa raw itong bumaba at susunod na rin ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Ang paniwala ko gaganda na kahit na papaano ang ekonomiya rito bago mag-election sa Nobyembre.

Naikumpara ko ang US at Pilipinas. Dito sa US, puwe­deng bumalik ang presyo ng mga bilihin pero sa Pilipinas ay hindi na. Ang masaklap nga sa halip bumaba ay itinataas pa. Dapat nang magreklamo ang mga Pinoy sa masamang nangyayaring ito.

Sana nga gumanda na ang pamumuhay ng mga Pinoy dito sa US para maipagpatuloy nila ang pagtulong sa kanilang mga kamag-anak na nasa Pilipinas.

ARNOLD SCHWARZENEGGER

AYON

BINAWASAN

CALIFORNINA GOV

PILIPINAS

PINOY

WASHINGTON D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with