Kaso ng namatay na engineer sa barko
TINANGGAP si Jimmy para magtrabaho sa CSMC, lokal na ahente ng AMTC, isang kompanyang Arabo. Magtatrabaho si Jimmy sa isa sa mga barkong pag-aari ng kompanya. Bago siya umalis, ineksamin siya at sinigurong makapagtatrabaho. Noong Agosto 3, 2001, dumating si Jimmy sa Saudi. Agad siyang itinalaga sa isang barko ng AMTC bilang Chief Engineer. Ang kapitan mismo ng barko ang nag-ulat na malakas at masigla si Jimmy.
Noong Disyembre 22, 2001, nagreklamo si Jimmy ng pana nakit ng tiyan. Noong Disyembre 29, 2001, bumagsak siya habang nagtatrabaho at noong Enero 4, 2002, namatay siya.
Humingi ng kaukulang kompensasyon si Lisa, ang asawa ni Jimmy. Ngunit hindi ito binigyan ng CSMC. Noong Abril 1, 2002, nagsampa ng kaso ang mga naulila ni Jimmy sa NLRC. Nagdesisyon ang Labor Arbiter pabor kina Lisa. Pinagbabayad ang CSMC at AMTC ng $50,000 para sa pagkamatay ni Jimmy at $7,000 sa bawat isa sa apat na anak ni Jimmy.
Nag-apela ang CSMC. Argumento nito, wala naman daw kinalaman ang trabaho ni Jimmy sa naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Isa pa, gumawa naman daw si Jimmy ng Affidavit of Waiver kung saan isinusuko niya ang kanyang karapatan na maghabol sa kompanya. Ginawa raw ito ni Jimmy para lang payagan siyang umalis nang madiskubre ng doktor na tumingin sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng tinatawag na “unstable blood pressure”. Tama ba ang CSMC?
Isa sa mga kondisyones ng POEA ay dapat na magbayad ang nasabing employer ng katumbas sa piso ng halagang $50,000 at $7,000 sa bawat anak na wala pang 21 anyos kung sakali at mamatay ang pahinante ng barko.
Malinaw na ang tanging kondisyon lang upang makahingi ng benepisyo ay dapat na namatay ang taong sangkot habang epektibo pa ang kontrata. Mananagot ang employer kahit ano pa ang naging sanhi ng kanyang sakit maging konektado man ito sa kanyang trabaho o hindi.
Sa kasong ito ni Jimmy, hindi itinanggi ng magkabilang panig ang tungkol sa pagkamatay ni Jimmy sanhi ng karamdaman sa puso. Isa sa mga ebidensiyang ipinakita ni Lisa ay ang death certificate ni Jimmy at tinanggap naman ito ng CSMC.
Ang pagbabayad ng benepisyo sa mga naulila ay idinidikta ng batas. Hindi ito maaaring takasan ng CSMC sa pamamagitan lang ng ginawang Affidavit of Waiver ni Jimmy. Ang mga kasulatang pinapipirmahan upang hingin at isuko ng empleyado ang kanilang karapatan ay hindi pinahihintulutan at labag sa panuntunan natin. Hindi rin kailangang patunayan na nasa kalakasan ang katawan ng taong namatay. Sapat na ang sertipikasyon mula sa doktor na kaya niyang magtrabaho. Dapat pahalagahan ang naging desisyon ng NLRC.
Isa pang nakapagtataka sa kasong ito ay ang pagsu sumite ng Affidavit of Waiver nang mag-apela na sa kaso. Hindi na mapapatunayan kung totoo nga ang dokumento o pineke lamang (Coastal Safeway Marine Services Inc. vs. Delgado, G.R. 168210,
- Latest
- Trending