US, hindi muna kukuha ng nurses sa Pilipinas

HINDI muna kukuha ng Pinoy doctors, nurses, caregivers at ibang medical personnel ang mga hospital dito sa United States. Kaya ang mga Pinoy na nakatakda na sanang magtungo rito ay hindi natuloy.

Malaking epekto ito sa mga bagong kapapasang nurses. Karamihan sa kanila ay gustong dito sa US magtrabaho. Kaya ang maipapayo ko sa kanila, sa ibang bansa na muna kayo mag-aplay. Maari kayong mag-aplay sa Australia at mga bansa sa Europe.

Taghirap kasi rito ngayon. Marami nang mga Pil-Am ang nagrereklamo sa hirap ng pamumuhay dito na lalong pinalulubha ng pagtaas ng presyo ng gasolina. May mga natatanggal sa trabaho dahil sa pagsasara ng mga kompanya.

Kaya nga inuulit ko ang aking payo, huwag makipag­sapalaran dito lalo na’t kung walang siguradong trabaho. Huwag na huwag pumunta rito nang illegal sapagkat mahigpit ang Immigration. Maraming nahuhuli at nakakulong ngayon dito. May mga Pinoy na pamilya-pamilya kung pabalikin sa Pilipinas kahit matagal nang nakatira rito.

Dahil sa nangyayaring ito kaya maraming Pil-Am ang masama ang loob sa administrasyong Arroyo. Matagal na raw nakaupo si President Arroyo pero walang pagbabago sa Pilipinas. Marami pa rin ang walang trabaho at marami pa rin  Pilipinas. Marami pa rin ang walang trabaho at marami pa rin ang nagugutom.

Kailangan pang umalis ng bansa ang mga Pinoy para maghanapbuhay at nang may maipakain sa mga mahal sa buhay. Kung hindi gagawin iyon, marami ang mamamatay nang dilat sa gutom.

Show comments