^

PSN Opinyon

‘Inulan ng bala...’

- Tony Calvento -

ILAN NA NGA BA ANG NAPAPAHAMAK DAHIL SA MA­LING AKALA? Marami na! Isa na naman dito ay ang kasong inilapit sa amin ng inang humihingi ng hustisya para sa kanyang mga anak.

Minsan na nagpunta sa aming tanggapan si Josephine “Josie” Cruz, na taga Bagong Silang, Caloocan City. May dala siyang magandang balita ukol sa kaso na kanyang nilapit sa amin. Pero bago yan tayo’y magbalik-tanaw sa mga kagana­pan sa kasong ito.

Ang dalawang anak ni Josie na si Cruzado ”Adong” Cruz, 25 taong gulang at ang namatay na si July Rex “”Reyrey” Cruz ay naging biktima ng maling akusasyon.

Ika-2 ng Hunyo taong 2004, alas tres ng madaling araw habang nag-iigib ng tubig si July Rex nakita niyang nakikipag-inuman ang kanyang nakakatandang kapatid na si Cruzado. Pinuntahan niya ito at inayang kumain ng lugaw.

“Habang naglalakad si Adong at Reyrey sa Pangan Hi-Way papuntang lugawan may dumaan na dalawang tricycle. Narinig daw nila na may sumisigaw na mga lalaki mula dun. Sumisigaw daw ng ayun! ayun! tapos nakaturo sa kanila,” kwento ni Josie.

Bumaba ang mga taong nakasakay sa tricycle. Isa sa kanila ay may dalang baril na napag-alaman nilang si Donato Lastrado na isang pulis na bigla nitong binaril si Adong. Nata­maan siya sa kaliwang siko at nahulog sa creek sa gilid ng kalsada.

Sinundan pa din siya ng mga ito. Kaagad siyang naka­pag­tago sa isang tunnel subalit nakita siya ng mga ito at pinag­babaril. Isang magazine ng armalite bullets ang inubos. INULAN SILA NG BALA. 

“Inakala nila patay na si Adong dahil sa brutal na pamamaril na ginawa nila sa kanya. Pero buhay pa ang anak ko. Naririnig niya daw si Reyrey na sumisigaw ng ‘kuya’ kaya alam niya na buhay pa ito,” ayon kay Josie.

Binitbit naman ng mga pulis si Reyrey at sinakay sa tricycle at dinala siya sa Gremma Park, isang madilim na lugar na anim na daang metro ang layo sa creek na pinaghulugan ni Adong.

Paika-ikang umahon si Adong mula sa creek nang may na­rinig siya na putok ng baril. Agad niyang naisip na maaaring si Reyrey ang tinamaan ng sa  putok na nadinig niya. Pinilit niyang makauwi pero hinimatay siya sa daan. Natagpuan siya ng mga kapitbahay nilang sina Arnel, Arthur at Aileen Ranet at dinala ito sa bahay nila.

Ang kapatid nilang si Asila ang nagbalita kay Josie kung ano ang  nangyari kay Adong. Ayon dito halos maputol lahat ng daliri ng kanyang anak sa kaliwang paa dahil sa sobrang tindi ng mga tama ng bala dito.

 “Nagtanong sila kung may nakita daw kaming lalaki na paika-ika maglakad. Ang sabi nila nakatakas daw na hold-upper yun pati ang isang kasamaha nito patay na. Nung una hindi ko alam na si Adong ang tinutukoy nila pero napag-isipan ko na baka siya nga yun dahil nasabi din nila sa akin na binaril daw ang anak ko sa paa kaya agad kaming nagpunta dun,” sabi ni Josie.

Pagdating nila ikinagulat ni Sharon ang nakita niya. Ang pamangkin niyang si Reyrey na nakahandusay sa kalsada, naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay. Napansin niya na may hawak itong face towel na puti.

Agad niyang binalita kay Josie ang nangyari kay Rerey. Nung una ayaw nitong maniwala, hindi makakilos at natulala. Dahil dito nagpasiya si Sharon na siya na lang ang magdadala kay Reyrey sa punerarya.

Pagbalik niya sa Gremma Park funeral parlor nagtaka siya dahil napapaligiran na ng iba’t ibang gamit ang bangkay ni Reyrey. Mayroong bag, alahas na silver, make-up kit at kwarenta pesos.

Naisip ni Sharon na nilagay na lang yun dun ng mga pulis para may ebidensya na hold-upper ang napatay nila.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Buti na lang andyan ang asawa kong si Adolfo. Kilala siya sa lugar namin dahil dati siyang traffic enforcer. Nung nagkamalay na si Adong sinuko namin siya at dinala sa Caloocan Police Station,” salaysay ni Josie.

Duon nakita at nakilala ni Cruzado ang lalaking bumaril sa kanya. Nalaman niya na mga pulis pala ito. Dumating naman ang isang pulis na kalaunan ay napag-alaman nilang si PO1 Hilario Ganut.

Nakita ni Ganut si Adong at nagtanong kung siya ang kasamahan nung napatay na hold-upper. Sumagot naman ang ilang mga pulis na positibong siya nga yun.

 “Nagkunwaring walang alam si Adolfo. Tinanong niya kay Ganut kung sino ang nakapatay sa isang hold-upper. Pinagmalaki niya na siya ang bumaril at pumatay dito. Sabi pa niya sanay siya sa mga ganun dahil dati siyang sundalo,” pahayag ni Josie.

Matapos magawan ng police report dinala si Adong sa National Orthopedic Center sa Banawe, Quezon City. Inoperahan ang kanyang paa at pinutol ang tatlong daliri nito. Labing-apat na linggo dapat ma-confine si Adong pero makalipas lamang ang pitong araw nilabas na siya papuntang Caloocan City Jail at sinampahan ng Robbery.

Limang buwan siyang nakakulong pero pinalabas din siya. Nadismiss ang kaso nung Ika-20 ng Hunyo taong 2006 dahil sa kakulangan ng ebidensya at walang complainant na dumadating sa mga hearing.

Si Adong ang naging witness sa ginawang pagpatay sa kapatid. Taong 2006 sa tulong ng aming programang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” at ni DOJ SEC. RAUL GONZALEZ, nailagay siya sa WITNESS PROTECTION PROGRAM. Tatlong taon na siyang nasa pangangalaga ng DOJ-WPP.

 Sinampahan ng kasong murder si PO1 HILARIO GANUT.   Hindi siya sumisipot sa mga hearing kaya na-dismiss ang kaso. Inakyat at inaprubahan sa DOJ ang SECOND MOTION FOR RECONSIDERATION na inapila nila Adong at Josie.

“Nailabas na ang ALIAS WARRANT OF ARREST para kay Ganut pero ang problema hindi siya mahuli dahil nagtatago na ito.

“Muli akong humihingi ng tulong sa inyong tanggapan. Sana po matagpuan na siya para mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Reyrey,” panawagan ni Josie.

ANG SINUMAN may nalalaman sa kinaroroonan ni P01 Hilario Ganut maaring makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan! (KINALAP NI GAIL DE GUZMAN)

PARA SA MGA BIKTIMA ng krimen o may legal problems  tu­mawag sa 6387285. Maari kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Maaari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

Email address: [email protected]

ADONG

CITY

PLACE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with