Rep. LIMKAICHONG, love ng constituents
KARAMIHAN sa mga mambubutas, este mali, mambabatas pala, kapag na-e-elect ay pinababayaan na ang kanyang mga katoto este mali constituents pala.
Para silang cellphone na nasa dead-spot. Can not be reached na, o kaya naman ay can not be located.
Naku ha!
Sa mga neophyte na members ng House of tongres este mali Congress pala naiiba si Rep. Josy Limkaichong ng 1st District ng Negros Occidental.
Simula nang umupo sa trono si Rep. Limkaichong, naging mas malapit pa siya sa kanyang mga constituents.
Sabi nga, makatao kasi!
Dahil sa kanyang pagiging malapit sa kanyang mga ka-distrito sa Negros Occidental, nakapagsalba siya ng isang buhay, bagamat namatay ang 11 niyang kababayan.
Nangyari ito nang lumubog ang MV Princess of the Stars noong June 21 sa kalandian este mali kasagsagan pala ng bagyong Frank.
Isang nagngangalang Marife ang nakaligtas sa kamatayan nang hindi siya nakakuha ng ticket para sa MV Princess of the Stars.
Tumawag ang pasahero kay Rep. Limkaichong para magpatulong upang makakuha ng tiket.
Alaws naman sa Philippines my Philippines si Josy dahil nasa Italy, dumalo ng pro-environment seminar.
Pinagrereport ni Josy sa kanyang office si Marife ng June 23 upang magawan ang solusyon ang problema nito.
Nang dumating sa Negros Occidental si Congresswoman nagtext sa kanya si Marife at sinabing: ‘Ma’am, salamat, you saved my life.”
Dehins pala ipinagdadamot ni Congresswoman ang kanyang cell number sa mga kababayan.
Malaya silang nakakapag-text o nakakatawag sa kanya. Kung minsan nagpapa-pasa load pa.
Ang sweet naman ni Josy sa kanyang mga constituent sana lahat ng kanyang kasamahan sa House ganito rin ang ugali.
Love na love din ng kanyang constituents si Congresswoman dahil nagpatayo siya ng municipal bakery sa kanyang Distrito upang mabigyan ng free nutritious bread at soya milk ang kanyang mga 90,000 schoolchildren.
Natutuwa man sa galak si Cong. Limkaichong dahil isang buhay ang kanyang nailigtas, nananawagan pa din siya para sa full implementation ng maritime laws upang maiwasan ang maritime disaster.
Dapat may sariling reliable weather equipment ang mga shipping companies at hindi lamang umaasa sa wala ng PAG-ASA, este mali, PAGASA pala.
Pero nalulungkot si Congresswoman Limkaichong dahil malalamang na hindi niya maipagpatuloy ang kanyang humanitarian projects.
‘Pine-petisyon pala si Josy ni Olivia Paras, na hipag ni former tongressman, este mali Congressman pala Jacinto Paras. Hindi daw Pinay si Ma’am Josy, Tsekwa daw” sabi ng kuwagong kamoteng naglalanggas ng galis.
‘Bakit naman? E, tinambakan ni Ma’am Josy ng 7,000 votes si Madam Olive. Naiinggit ba siya dahil sa magandang ipinakikita ni Cong. Josy?” tanong ng kuwagong haliparot sa cabaret.
“Iyon ang bali-balita sa Negros Occidental,” sagot ng kuwagong maninisid ng tahong sa Navotas.
‘Talagang ganyan yata dito sa Pinas. Kapag nakakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa, tinitirador ka. Parang sila lang ang magaling,” anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Korek ka ‘dyan Kamote. Inggit lang sila kay Ma’am Josy Limkaichong. Love na love kasi siya ng kanyang constituents.”
SBMA lespu na trial by publicity
CRYING BABIES ang limang lespu dyan sa SBMA na inireklamo ng isang bebot dahil sa pang momolestiya daw, kotong daw at grave misconduct daw matapos silang kasuhan sa Ulo ng Apo Prosecutor’s Office the other week.
Hay buhay police!
Hindi na babanggitin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga name ng SBMA police na kinasuhan dahil malaking kahihiyan ito hindi lamang sa kanilang departamento kundi maging sa mga pamilya nila, at maging sa mga biyenan nila, mga friend, kamag-anak, kapatiran, kaaway echetera.
Ang mga ito ay lumabas sa dyaryo na parang mga kontrabida sa isang pelikula at hindi nabigyan ng patas na pamamahayag para ipaalam sa madlang people ang tunay na pangyayari.
Sabi nga, kawawang nilalang!
‘Korte na siguro ang maglilinaw sa kanila kung may kasalanan ba sila o alaws’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago hindi na natin ito mapagkukuentuhan’
Sabi nga, next time.
- Latest
- Trending