Ayusin na ang sistemang CTPL
TUTOL ang isang grupo ng insurance companies sa pag-iisa ng pagkuha ng Compulsory Third Party Liability insurance sa ilalim ng GSIS. Anila sa print ad, kapag minonopolyo ng GSIS ang pag-insure ng sasakyang lupa sa pagpinsala sa tao, 60,000 na empleyado ang mawawalan ng trabaho.
Naisip ko agad, gan’un ba karami — 60,000 katao — ang rumaraket sa CTPL? Sinasabi kong raket itong CTPL kasi marami sa mga nagbebenta nito ay fly-by-night. Wala silang permanenteng opisina; naka-istambay lang sa gilid ng mga LTO branches, pero nawawala sa gabi. At lalong hindi mo mahanap kapag kailangan mo sila magbayad sa nasaktan o napatay ng sasakyan mo sa sagasa o banggaan.
Bago ang lahat. bakit ba may CTPL? Inutos ng gobyerno nu’ng dekada-70 na lahat ng kotse, tricycle, jeepney, bus at trak ay may insurance bago sirehistro. Ito’y para kung, bukod sa sariling driver at pasahero, may masaktan o masawing ibang tao, halimbawa naglalakad o lulan ng ibang sasakyan, babayaran ito nang hanggang P50,000. Maganda ang pakay: Insured agad ang may-ari ng sasakyan kung maka-aksidente sa tao.
Pupusta ako, sa ilang taon na kayo nagmamaneho, at ilang sagi at gasgas na ang naranasan niyo, ni minsan ay hindi pa kayo nakasakit ng iba. Hindi pa ninyo nagamit ang CTPL niyo. Lilitaw ang tanong: saan napupunta ang mahigit P1,000 CTPL na ibinabayad natin taon-taon para sa 5.5 milyong sasakyan?
Dapat, ayon sa Insurance Law, nakatabi sa bangko ang bahagi ng P1.64 bilyon taunang CTPL, para pambayad sa beneficiaries. Pero batay sa records ng Land Transportation Commission (IC) at LTO, karamihan ng CTPL certificates of cover (C.O.C.) ay peke, kaya ibinubulsa lang ng fly-by-night insurer ang pondo. Suriin ang table:
|
2004 |
2005 |
2006 |
Registered vehicles (LTO) |
4,760,593 |
5,059,753 |
5,530,055 |
Reported COCs (IC) |
1,616,689 |
2,265,040 |
2,561,806 |
Unreported/missing COCs |
3,143,904 |
2,794,713 |
2,769,768 |
- Latest
- Trending