Parade of innocents
“SA lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napatutunayan ang naiiba.” Sa mga salitang ito ginarantiyahan ng taumbayan ang Presumption of Innocence. Dahil dito, hindi maaring tanggalan ng karapatan ang isang mamamayan hangga’t hindi ito nahahatulan ng hukuman. Ito’y naayon din sa proteksiyong handog ng prinsipyo ng Due Process of Law: kung hindi sundan ang kaparaanan ng batas, hindi maaaring alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian ang sinumang tao.
Ang mga nabanggit na garantiya ay pawang mahahanap sa katitikan ng ating Saligang Batas. Subalit hindi ito laging nasusunod sa lipunan. Isa sa garapal na paglabag sa mga prinsipyong ito ay ang pagparada sa publiko ng mga inares-tong suspect ng krimen. Sa telebisyon at sa mga pahayagan, karaniwan nang napapanood ang mga detenido ng PNP, lalo na sa mga sensational crimes, na piniprisinta sa publiko suot ang mga orange na jail uniform.
Kung tutuusin, wala namang karapatan ang isang arestado na piliting isekreto ang pagkasakote. Kapag ika’y dinala sa presinto, kakasuhan ka, magpi-piano sa fingerprints, kukunin ang statement, ikukulong. Sinumang may interes ay maaaring magmasid. Katunayan, itong pagka-transparent ng proseso ang insurance na hindi mapapahamak ang suspect sa kamay ng mga pulis. Lahat nang malalaking print at broadcast media organization ay may “police beat” reporter na tumatambay sa mga istasyon, umaasang maka-scoop ng kontrobersiya.
Subalit kapag kinaladkad ka pa sa harap ng media, labis at labas na ito sa prosesong nakasaad sa batas. Hindi pa man nahusgahan ng hukom, para ka nang hinatulan sa mata ng publiko. May argumentong invasion of privacy at cruel, degrading and unusual punishment na parehong pinagbabawal ng batas.
Una na itong pinuna ng dating congressman at nga-yo’y Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. sa isang panukalang batas. Ngayon, hindi na naghintay pa ng batas si Com-mission of Human Rights Chair Leila de Lima na nanita sa gawaing ito ng PNP. Nangako ang PNP na kanilang pakikinggan ang kautusan ni De Lima.
CHR Chair Leila de Lima Grade: Very Good!
- Latest
- Trending