Kilalanin at umiwas mabiktima ng grupong nasa likod ng ATM theft!
PARA sa mga ATM o credit card holders, basahing maigi ang kolum na ito upang hindi mabiktima ng sindikatong nasa likod ng ATM theft tulad ng Ruler Gang.
Huwag magwi-widraw o gagamit ng mga ATM machines na walang nakabantay na guard o representante ng banko.
Sipatin o siliping maigi ang mga cash gate at pasukan ng card. Pansining maigi kung may nakakabit na kakaibang bagay sa paligid ng machine mismo.
Maaring ang mga ito ay metal case sa cash gate, skimming machine sa bunganga ng pasukan ng card o micro surveillance camera sa gilid at tapat ng monitor ng machine.
Huwag mag-atubiling magtanong o ipaalam sa banko ang anumang iregularidad na mapapansin sa pisikal na anyo ng ATM machine.
Mas makabubuting mag-withdraw sa mga machine na may closed circuit surveillance camera upang sa oras na magkaroon ng purnada sa inyong mga account, mamumukhaan ang salarin.
Patunay ito sa banko na hindi ang cardholder o biktima ang gumamit ng kanyang ATM at credit card sa mga oras na nawala ang kanyang pera.
Subalit hindi pa rin kasiguraduhan na ligtas ang mga ATM machines na may CCTV cameras sa panahon ngayon. Dahil malikhain ang sindikato na maisagawa ang kanilang mo-dus sa pagnanakaw.
Maging mulat at pamil yar sa mga panawagan at babala ng inyong ban-ko na may kinalaman sa modus na ito. Kaakibat ang BITAG at mga alagad ng batas sa krusada sa pagsugpo ng sindikatong nasa likod ng ATM theft at scam.
- Latest
- Trending