EDITORYAL – Police visibility ang kailangan
LAGANAP ang holdapan sa mga pampasaherong jeepney, bus, FX at iba pang pampublikong sasakyan. Kaya hindi na nakapagtataka na kahit hinihikayat ng awtoridad ang taumbayan na mag-commute para makapagtipid sa gasolina e hindi rin mangyari. Paano’y holdaper naman ang kalaban kapag nag-commute. Kaya ang nangyayari, kahit mahal ang gasolina, gagamitin pa rin ang sariling sasakyan.
Siguro’y mapipilit lamang mag-commute ang ilan kung maipapangako ng Philippine National Police (PNP) na ligtas sila sa mga holdaper.
At ang sabi ng PNP, police visibility ang katapat niyan. Ipakakalat daw ang mga pulis sa mga pampasaherong bus para mapangalagaan ang mga pasahero sa mga holdaper. Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Deputy Director Geary Barias, na sisimulan na nilang ipakalat ang mga nakasibilyang pulis sa mga pampasaherong bus sa EDSA.
Ang ganitong ideya ay matagal nang ginawa. Marami nang pinakalat na secret marshals sa mga bus at dyipni
Kapag may nauupong bagong hepe ng PNP ay laging sumusulpot ang ideyang pagtatalaga ng mga pulis sa mga pampasaherong sasakyan subalit lagi rin namang nawawala ang balaking ito. Tatagal lamang ng ilang buwan at wala na namang makitang pulis na nagbabantay sa mga pasahero.
Ang ganitong sinimulan ng PNP sa ilalim ni Barias ay hindi naman
- Latest
- Trending