^

PSN Opinyon

Sinong mali?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NOONG  Lunes nang madaling-araw, isang trak na may dalang ethanol ang sumalpok sa concrete divider sa may entrada ng Ayala underpass. Tumapon ang dalang ethanol sa kalye, kaya kaagad namang pinasara ito sa daloy ng trapik para makaiwas sa isang malaking disgrasya. Puwede kasing lumiyab ang ethanol. Nagdulot ito nang matinding trapik sa EDSA, na nagtagal nang halos anim na oras.

Noong Martes nang madaling-araw din, sa halos pare­hong lugar at oras, isang trak na may dalang buha­ngin naman ang sumalpok sa naturang divider, at tumapon ang dalang buhangin sa kalye. Ganun din, sinara ang kalye para linisin ang buhangin, at ganun din, trapik na naman hanggang umaga. Sa parehong aksidente, biglang umiwas ang mga trak sa mga sasakyan na gumitgit umano sa kanila, kaya sumalpok sa divider. Pero natural, agad namang nagduda ang MMDA sa mga kuwento ng mga drayber. Sigurado ako, na sa isip ng MMDA,  kasalanan ng mga drayber iyan. At bakit hindi, paniwala ng MMDA, lalo na ang kanilang pinuno na si Chairman Bayani Fernando, na wala silang ginagawang mali, at lahat ng drayber ang mali sa tuwing may suma­salpok sa kanilang mga divider na nagkalat na sa EDSA. Para mangyari ang halos kaparehong aksidente sa parehong lugar sa halos parehong oras, siguro may kinalaman na ang lokasyon ng divider na iyan. Sentido komon na yun. Pero wala naman ganun sa MMDA dahil banal na salita nga ang mga utos ni Fernando. At nasaan nga ba si Fernando nang mangyari ang mga aksidente?

Parang Sulpicio na rin yan. Kahit nakakaapat na tra­hedyang dagat na, hindi pa rin sila ang mali. Sa totoo nga, lahat mali, pati na ang Diyos. Isama mo na ang Coast Guard dahil pinaya­gan na­man daw silang lu­mayag. Siguro pati mga pa­sahero na rin mali dahil pa­tuloy pa rin silang tuma­tangkilik sa Sulpicio. At sila pa ngayon ang naghahabla sa PAG­ASA at Del Monte Phils. Sa basketbol, ang pi­nakama­gandang depen­sa ay isang magandang pag­salakay. Mukhang ganito  na rin ang ginagawa ng Sulpicio, sa harap ng lahat ng buma­batikos sa kanila ngayon. Inumpisahan na  rin nila ang “mga kamag-anak, may 200 kayo dito” na tulong, pero  may kondis­yon na kung tatang­gapin nila ang 200 thousand, kailangan nilang pumirma sa kasunduan na hindi na sila maghahabol sa Sulpicio Lines. Ganyan na nga talaga ang pamamala­ kad sa lahat ng aspeto ng buhay sa Pilipinas, maging sa gobyerno o sa priba- dong sektor. Pera lang ang katapat ng lahat.    

vuukle comment

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

COAST GUARD

DEL MONTE PHILS

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with