^

PSN Opinyon

Krusadang maraming nagdududa

- Al G. Pedroche -

ILANG taon na rin ang nakararaan, nabulgar sa media ang mga ginagamit na textbooks sa mga pampublikong paaralan na punumpuno ng kamalian sa grammar at maging sa nila­laman. Ang nag-expose nito ay isang academic supervisor ng Marian School sa Quezon City na si Antonio Calipjo-Go. Maraming humanga sa kanya at sumikat ang kanyang pa­ngalan.

Pero may sumambulat na balitang sinakyan ng ilang kolumnista na tinatakot umano ni Mr. Calipjo-Go ang mga textbook publishers, Sisilipin  daw niya ang mali sa kanilang mga textbooks at ibubunyag sa media kung hindi sila magbibigay ng pera. Sa takot daw ng mga publishers ay napipilitan silang ayusin siya. Ipinagmamalaki daw niya na hawak niya ang media. Sana’y magbigay ng kanyang panig si Mr. Calipjo-Go sa usapin bago mawasak ang paghanga ng marami sa kanya. Maganda kasi ang kanyang krusada. Umaksyon ang Department of Education at inatras ang mga palpak na textbooks na kanyang tinukoy.

Kinukuwestyon kasi ngayon ng mga tumutuligsa kay Calipjo-Go na siya’y nakatira sa isang marangyang tahanan malapit sa Marian School. Magagara umano ang mga nakaparadang sasakyan sa compound niya. Tanong pa ng marami, saan galing ang P1 milyong ginastos niya sa pagpa­palabas ng full page ads sa mga pahayagan na aniya’y “sariling gastos” niya? Kung ikukonsidera kasi ang kalagayan ni Calipjo-Go, hindi raw niya maa-afford ang ganyang gastusin at karangyaan sa kanyang buhay.

Mabigat maakusahang “extortionist” ng mga book publishers. Pero anybody accused must be given the benefit of the doubt. “A day in court” wika nga. At kung mapatunayang nagkasala, dapat din namang managot ang kahit sinong nagkakamali. Pero kung gawa-gawa lang ang alegasyon laban sa kanya, ituloy ang ma­buting layunin!

Sa totoo lang, kaila­ngan natin ang mga crusa­ding people na mag­la­lantad ng ano mang ka­ malian sa lipunan. Ngunit kung nagagamit ito sa hindi maganda kagaya     ng extortion,  aba’t ibang usapan iyan kaya dapat magpalabas ng paglili- naw tungkol  dito si Calipjo-Go.

Kung sadyang siya’y mayaman  o kaya’y may sumusuporta sa kanyang magandang kru­sada, ka­ilangan niyang magpali-wa­nag para hin­di mawala ang pag­ha­nga ng taum­ bayan sa kanya.

vuukle comment

CALIPJO-GO

MR. CALIPJO-GO

PERO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with