SA pinakabagong pagsusuri na isinagawa ng World Bank ukol sa katiwalian sa mga bansa sa Silangang Asya, ang Pilipinas ang pinakamatindi sa katiwalian. Tinalo na ng Pilipinas, ang Indonesia. Talaga naman!
At sa tsart na ginamit para ipakita ang mga bansa ukol sa lawak ng corruption, may buwayang nasa tabi ng mga tala. Palaging buwaya ang simbolo na ginagamit sa katiwalian. Ang buwaya kasi ay kinakain lahat, kahit bulok at umaalingasaw na hayop. Ang mahalaga lang sa buwaya ay makakain. Pero maraming hindi nakaaalam na ang babaing buwaya, kahit ganun ang itsura, ay maalaga sa kanyang mga anak, habang maliliit pa ang mga ito. Mabangis na ipinagtatanggol ang mga ito sa mga puwedeng manakit sa kanyang mga anak. Iniiwan na lang niya ang mga anak kapag malalaki na ang mga ito. Ganyan ang buwaya. O, may naaalala ba kayo? May naiisip ba kayo? Kung may kilala kayong malakas pa ring kumita sa gobyerno sa mga panahon na ito, malamang may nag-aalagang buwaya riyan. At pagdating ng 2010, puwede nang iwanan at malaki na – ang pera! Bagay pagsuutin ng Barong ang buwaya, congressman na ang dating. Yung nanay na buwaya, lagyan ng nunal sa nguso.
Halos wala na talaga tayong natatanggap na magandang balita. Bukod sa linggu-linggong pagtaas ng presyo ng gasolina, tatamaan pa tayo ng malakas na bagyo na nagdulot ng malaking pinsala. Tapos makikilala pa tayo sa buong mundo na matindi sa katiwalian. Kaya naman wala na masyadong pumapasok na foreign investors sa bansa. Bakit nga naman sila magnenegosyo sa isang bansa na matindi ang korupsyon? Lolobo lang ang gastos nila na wala namang tulong sa negosyo nila kundi nagpapayaman ng mga buwayang naglalakad ng nakatayo at nagsasalita. Hindi kataka-taka na sa panlilimos ng tulong pinansiyal ni GMA kay US President George Bush wala pang P5 milyon ang inabuloy nito. Eh bakit nga ba magbibigay ng malaki kung ibubulsa lang di ba?
Isa na ring dahilan ang pangungurakot na ito kung bakit mahal ang bilihin. At sa gitna ng hirap sa buhay at dinelubyo pa ngayon ng bagyo at trahedya sa dagat.
Napakarami pa ring sumama sa biya he ng Presidente para magtuloy na siya bakasyon at manood kay Pacman sa Las Vegas! Araaay! Mga walang puso at konsensiya sa paghihi rap ng mga kababayan natin. Ano naman kaya ang naiisip ng mga ta ong namatayan, nawa walan ng mga kamag-anak, nasalanta ng bag yo? Baka masyado na rin tayong sanay sa pangwa walanghiya ng ating mga opisyales. Tandaan na lang sana natin ang lahat ng ito pagdating ng 2010. Iyan na lang ang pag-asa na makaganti ang taumbayan sa pagnanakaw sa atin, sa kawalan ng konsiensiya at abuso sa ka pangyarihan.