Cheap Medicines Bill, walang epekto?

NAGPAPASALAMAT ako kay Ms. Deedee Siytangco, dating press secretary ni President Cory Aquino, sa pag-imbita sa akin sa kanyang lingguhang Bulong Pulungan sa Sofitel-Philippine Plaza. Kasama rito ang mga tanyag na kolumnista tulad nina Julie Yap Daza at Nestor Cuartero.

Ang paksa namin noon ay tungkol sa mga isyung me­ dikal. Maraming reporter ang nagtanong tungkol sa rectal video scandal at glutathione controversy. Bilang doktor, mas alam ko ang tunay na balita sa likod ng mga isyu.

Isang magandang pag-usapan ay ang Cheap Medicines Bill. Talaga bang bababa ang presyo ng gamot?

Sa aking palagay ay hindi po! Heto ang aking mga dahilan:

1. Walang ngipin ang Cheap Medicines Bill ni Senator Mar Roxas. Una, ang Generics Only provision ay inalis na. Ang ibig sabihin ay puwedeng ipilit ng doktor ang paborito niyang brand na gamot sa pasyente. Kapag niresetahan ka ng P100 na gamot, iyon pa rin ang baba­yaran mo sa botika.

2. Ibinasura ang Price Control Committee na ipinipilit ng dalawang doktor na kongresista, sina Dr. Ferneol Biron at Dr. Janet Garin. Kapag walang Price Control, kahit magkano ang gustong ipresyo ng isang kompanya, wala tayong magagawa! Walang pupuwersa sa kanila na ibaba ang presyo.

3. Dahil may parallel importation na nakasaad sa batas na ito, puwede tayong umi­nom ng mas murang       ga­mot na galing India. Ang pro­­blema lang ay kulang na kulang ang mga gamot na galing sa India. May gamot ba sa utak? May gamot ba sa epilepsy? May gamot ba sa goiter? Isa pa, naka­dududa ang kali­dad nito. May doktor kaya na mag­rereseta nito?

4. Ayon sa Cheap Medi­cines Bill, puwe­deng mas maagang ilabas ang generic na gamot ng mga lokal na kompanya. May kon­ting tulong ang panu­kala na    ito. Ngunit hang­gang hindi ito susupor­tahan ng mga doktor, balewala lang ito.

Sa makatuwid, wa­lang lakas ang Cheap Medicines Bill para ibaba ang presyo ng gamot. Kaila­ngan pa nating hintayin ang utos ng Presidente sa panahon ng emergen­cy    para maibaba ang presyo     ng gamot. Ano kayang Emergency ito? Ano pang dapat hintayin gayong libu-libong mga Pilipino na ang nama­ma­tay dahil sa mahal na gamot?

Sorry po, Senator Mar Roxas. Maganda ang la­yunin mo, ngunit dapat ipa­alam ang katotohanan. Kung sa­kaling bumaba ang pres-yo ng gamot, baka 20-30% lamang. Hindi pa rin ito sapat.

Ngayong naipasa na ang Cheap Medicines Bill, sino ang  mag­­papatupad nito? Malaki ang maga­ gawa ni Secretary Francis­co Duque ng Department of Health. Subaybayan!

(E-mail: drwillieong@gmail.com)

Show comments