^

PSN Opinyon

Early birds stay dry

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

LINGGO ng hapon, nakalipas na ang hagupit ng bag­ yong Frank sa Metro Manila nang magdesisyon si Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) President Atty. Adel A. Tamano na kanselahin pa rin ang klase sa PLM sa kinabukasang Lunes. Wala pang anunsiyo ang CHED (Commission on Higher Education) sa kansel­as­yon para sa mga college students subalit hindi pinatagal pa ni Atty. Tamano ang alinlangan ng mga mag-aaral, magulang at mga empleyado ng PLM. Sa sumunod na dalawang oras, nagsuspinde rin ng klase ang UST at ang St. Scholastica’s College.

May mga alituntunin ang batas tungkol sa pagsuspinde ng klase sa iba’t ibang antas -– ang DepEd ang may kuntrol hanggang high school habang ang CHED naman ang may hawak sa college paitaas. Kapag masama ang panahon, ang mga storm warning ng PAGASA ang bata­yan ng anumang desisyon. Ang kaso’y napakabantot ng timing ng pamahalaan sa pagsuspinde. Late lagi ang anunsyo -– kadalasa’y nasa eskuwelahan na ang mga pobreng mag-aaral bago ibaba ang deklarasyon. Ok sana kung ulan lang ang kalaban. Eh dahil na rin sa kapa­ba­yaan ng tao at ng gobyerno, dagdag suliranin ang BAHA at ang dala nitong problema.

Sa PSN editoryal nung Lunes, pinaalala ang kaha­lagahan ng maagang pagdeklara ng NO CLASSES dahil sa sama ng panahon. Ngayon nga namang paum­pisa na ang pasukan, kritikal na solusyonan itong taunang hina­nakit ng magulang. Hindi nga ba’t marami nang nagpanu­kalang baguhin ang kalendaryo upang mataon ang bagyo sa buwang walang pasok? Maaring dumating ang oras na biglain tayo ng ganito. Bago umabot sa ganitong ultimatum, subukan muna ang ibang alternatibo: Automatic two-day suspensions imbes na isa; mga extension para sa mga kanseladong araw. Siyempre, hoy gising din lang ang katapat ng antuking DepEd at malaking tu- long din tiyak kung linisin ang mga kanal at estero lagi para mabawasan   ang baha.

Dahil sa maagap na aksyon ng PLM, maaga pa lang ay naikalat na sa PLM community ang ba­lita. Sa ibang mga pa­mantasan, maghaha­ting­gabi na nang kinumpirma ng Malacañang na wa-lang pasok – marami na ring nakatulog na. 

vuukle comment

ADEL A

DAHIL

HIGHER EDUCATION

KAPAG

PRESIDENT ATTY

SHY

ST. SCHOLASTICA

TAMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with