^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang hindi malipol na Abu Sayyaf

-

KUNG mayroon mang dinadalangin ngayon ang mamamayan, iyan marahil ay ang pagkalipol ng Abu Sayyaf. Sa dami ng nagawa nilang kasalanan sa mamamayan, iisa ang hiling nila –— ang maubos na sila para magkaroon ng katahimikan at hindi na pangilagan ang Pilipinas. Sa totoo lamang, malaking kapintasan sa Pilipinas ang teroristang grupo. Sa halip na dito magtungo ang mga turista, pinipili nilang sa iba pang bansa sa Asia magtungo. Delikado nga namang makidnap ng Sayyaf at mapagbayad ng ransom.

Ang Sayyaf na ayon sa military ay iilan na lamang ang miyembro ay paulit-ulit ang pangingidnap at ang pinakahuli nilang ginawa ay ang pagkidnap kay ABS-CBN broadcaster Ces Drilon at sa dalawang cameramen. Pinalaya na kamakalawa ang isa sa camera man. Una namang pinalaya ang guide nina Drilon na isang propesor sa Mindanao State University.

Magsasagawa ng follow-up story sina Drilon sa Maimbung, Sulu, nang kidnapin noong nakaraang linggo. Sabado. Ayon pa sa report, humihingi ng P10-milyon ransom ang mga dumukot na Sayyaf. Hindi kilalang grupo ng Sayyaf ang nasa likod ng pagdukot kay Drilon. Matigas naman ang paninin­digan ng ABS-CBN sa “no ransom policy”.

Sa kabila na marami nang lider ng Sayyaf ang napatay, nananatili pa ring nakatayo ang mga tero­rista. Napatay na si Abu Sabaya, Kumander Robot, Khadafy Janjalani at Abu Sulayman. Tila walang epekto sa kanila ang pagkamatay ng mga lider sa­pagkat bumabangong muli at nakapagsasagawa      ng pagdukot at pagpatay. Marahil ang tulong ng       Al-Qaida ni Osama bin-Laden ang nagpapalakas       sa grupo kaya kahit na watak-watak na ay naka-   pag­bubuong muli.

Walang awa ang Sayyaf at kahit na walang la-bang mga bihag ay kanilang pinapatay. Isang Ame­rikanong bihag ang pinugutan ng ulo. Sila rin ang kumidnap kay Martin at Sandra Burnham habang nasa isang beach sa Palawan. Napatay si Martin nang i-rescue at nailigtas naman si Sandra.

Ginagawa ang lahat ng negosasyon para ma­palaya sina Drilon at kasama. Malaki ang paniwala na mapapalaya rin ang broadcaster at kanyang kasama. Ang hindi nga lamang alam ay kung totoong hindi magbabayad ng ransom. Kung maidadaan sa maayos na negosasyon ang lahat, maganda sana pero kung may sangkot na perang ransom, masama na naman ang magigign bunga. Tiyak na susundan ang pangingidnap dahil tatabo sila ng pera.

Kailan nga ba malilipol ang salot na Sayyaf?

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ABU SULAYMAN

DRILON

PLACE

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with