^

PSN Opinyon

Abigail

PILANTIK - Dadong Matinik -

Siya ay maganda -– walang kasing-ganda

sa mga babaing aking nakilala;

siya ay mabait laging nakatawa

mata ay mapungay kapag tumatawa!

 

Noong siya’y bata natatandaan ko

lagi s’yang kasama ng ina sa banko;

Nang panahong iyo’y bagong kasal ako

kaya ang paghanga’y tulad sa ama mo!

 

Habang lumalaki’y lalong gumaganda

hanggang sa mapansing dalaga na pala;

Kapag nagagawi sa tahanan nila

sa aking pagbati’y ngumingiti siya!

 

Sa aking pagbati kasama’y paggalang

pagka’t ama’t ina’y kapwa kaibigan;

siya ay bumukad na isang halaman

mabangong bulaklak na dapat hangaan!

 

Ang hindi ko alam kung may bofriend ka na?

sa mayroon o wala ako’y iyong ama;

Na sa iyong kasal kung maiimbita -

kung walang aawit ako ay tutula!

 

Ang mutya ay anak ni Baby at Calex

Na sa aming baya’y kapwa umuugit;

Ang ina’y si Venus ang nakakawangis

At ang ama nama’y parang si Adonis!

 

Dahil sa ang Mutya’y likas matalino

natapos n’ya agad pag-aaral nito;

Kung ang mga anak may ganda’t talino

Sa aking pagtula’y laging inspirado!

 

Kaya inspirado sa aking pagtula

mutyang pinupuri ay isang diwata;

Tiyak ang anak mo’y maganda ring mutya

ang apo ko naman ang s’yang tutula!

vuukle comment

CALEX

DAHIL

HABANG

KAPAG

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with