^

PSN Opinyon

Tulungan ang PNP para malutas ang RCBC massacre

- Bening Batuigas -

BARBARO at demonyo lamang ang makagagawa ng karumal-dumal na pagpatay sa siyam na walang kala-  bang-labang empleyado ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) branch sa Cabuyao, Laguna noong Biyernes.

Ngayon lang ako nakabalita ng ganitong pangyayari mula nang akoy maging tao. Kaya sikat na naman ang Pilipinas sa buong daigdig. Ipinahihiwatig lamang na kulang ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kaya nalulusutan ng mga halang ang bituka. Get n’yo    mga suki?

Mas abala pa umano ang ilang pulis sa pagsalakay sa mga sugalan at putahan kaysa magronda sa kapaligiran. Ika nga’y pera-pera lamang ang inaatupag nila. Hindi ko naman nilalahat ang mga pulis.

Dahil may ilan din namang mga pulis na tumutupad  sa kanilang tungkulin at ang ilan pa nga sa kanila ay na­matay sa tungkulin. Katulad na lamang sa dalawang pulis-Maynila na sina PO3 Francisco Neri at PO3 Jose Santos ng Ermita Police Station.

Namatay ang dalawang pulis nang rumesponde sa isang ambush robbery hold-up na isinagawa ng riding-in-tandem sa Paco, Manila, kamakailan.

Sa kabila ng naghihingalo na sina Neri at Santos ay nagawa pa nilang putukan ang mga salarin. Ngunit talaga yatang buwenas pa ang mga kawatan dahil nagawa pa nilang tangayin ang salapi ng napatay na negosyanteng si Atty. Alfredo Dy. Naitakas din naman nila ang nasu­gatang kasama.

Subalit ang nangyaring massacre sa RCBC-Cabuyao Branch ay blanko ang ka­ pulisan ng Laguna. Ma­ituturing na inutil ang mga alipores ni CaLaBar­Zon Regional Police Director Chief Supt. Ricardo Pa­dilla dahil wala man lang silang kamalay-malay sa pangyayari. Asan kaya ang mga bulldog ng Pa­ dilla ng mga oras na iyon. Marahil nag­ pa­palaki ng betlog kaya wala silang alam sa pangya­yari. Get n’yo mga suki?

Sa ngayon, nagkuku­ mahog na ang mga bulldog ni Padilla sa pag-amoy sa mga iniwanang bakas ng mga salarin at paghahanap ng leads para matukoy ang grupo. Ang sambayanan ay sa-ma-samang nagdarasal para matukoy nina Padilla ang mga suspek at nang mapatawan ng pinaka-mabigat na kaparusahan.

Nawa’y mga totoong salarin ang inyong ma­ lam­bat Sir! Kasi nga ayon sa mga opisyales ng Manila’s  Finest na aking nakausap, baka umano mandakma na lamang ng mga inosenteng tao para maipresenta sa media. Ika nga’y panakip butas system naman ang gaga­win upang mapagtakpan ang kanilang kapalpakan.

At habang abala ang mga bulldog ni Padilla sa paghahanap sa mga sa­larin, hinihikayat ko po kayo mga suki na mag­tu­lu­ngan para mapadali ang paghuli sa mga sa­larin. Tulungan natin ang kapulisan sa paghanap sa mga salarin.

ALFREDO DY

PADILLA

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with