^

PSN Opinyon

Blame game!

- Al G. Pedroche -

“KASALANAN mo” sumbat ng Meralco sa NAPOCOR. “Hinde. Ikaw ang may sala” mabilis na buwelta ng NAPO­COR.

Nagtuturuan ang dalawang ahensya kung sino ang dapat sisihin sa mataas na presyo ng kuryente. Ang NAPOCOR ang major power vendor kasama ang ibang mga Independent Power Producers at ang Meralco ang distributor. Iyan ang magkahiwalay na papel ng dalawang kompanya sa industriya ng elektrisidad.

Ganyan ang eksena kamakalawa sa joint hearing na isinagawa ng Kamara de Representante at ng Senado na dinaluhan ng mga kinatawan ng NAPOCOR, MERALCO at GSIS na isa ring major shareholder sa Meralco sa panig ng pamahalaan.

Ang akusasyon ng gobyerno sa Meralco ay “mis-management” daw. Mas marami pa raw ang pinasasahod na top executives kaysa ordinaryong empleyado. Ina­akusahan din ang pribadong sector ng Meralco ng overcharging at pati raw ang kuryenteng ginagamit ng kom­panya ay taumbayan ang nagbabayad. Siyempre, pina­bulaanan ito ng Meralco. Sa totoo lang daw, mahal ang kuha nila ng kuryente sa Napocor kaya ibinebenta rin ng mahal sa mga consumers. Seryoso ang ale­gasyong ito sa Meralco at kailangan ang convincing na paliwanag. Totoo ba na tayo ang nagbabayad sa kinukonsu­mong kuryente nito?

Anyway, ang isa pang dahilan sa mataas na singil sa kuryente ay ang EPIRA law.

Nang ikonsepto ang batas nung panahon ni Presidente Ramos, ang  vision ay nakatanaw sa pagsulpot ng mara­ming industriya at pangangailangan ng mas epis­yenteng elektrisidad na kakailanganin ng mga industriyang ito.

Dahil diyan, pumasok sa kontrata ang gobyerno sa priba­dong sector na nagtayo ng mga power generators. Sila ang tinatawag ngayong Independent Power Producers o IPP. Kaso, nang mawala si Ramos at ang pumalit ay si Joseph Estrada, hindi natupad ang vision na makapagtayo ng maraming indus­triya sa bansa. Sumobra ang mga  IPP kaysa kinakailangang elektrisidad ng bansa. Kaya ngayon, mag-prodyus man o hindi ng kuryente ang mga IPP, obligado ang taumbayan na magbayad ng elektrisidad sa kanila. Nasa kontrata iyan.

Sana’y ceasefire muna sa sisihan at magkaisa na lang sa paghanap ng tamang solusyon sa problema. Wika nga, naririyan na iyan at ang pagsisisihan ay lalo lamang magpapalubha sa problema.  

DAHIL

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

JOSEPH ESTRADA

MERALCO

PRESIDENTE RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with