^

PSN Opinyon

Imahe ng PNP

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MADALAS mapagbintangan ang media na pinag-iinitan ang pulis. Na masyado naman daw ang pagpuna sa pulis at mga maling ginagawa nito. Pero sa gusto naman ng lahat ng media, kasama na ako, na purihin ang pulis para sa mga magagandang nagagawa nito, may insidente pa ring magbibigay mantsa sa imahe ng PNP — walang mintis talaga.

Ang tinutukoy ko ay ang pagkakatakas NA NAMAN ni Pedro Rodica mula sa kamay ng mga pulis. Si Rodica ay isa sa pinaka-wanted na kriminal sa Pilipinas. Ang mga krimen nito ay pagnanakaw sa mga money changer at pati pagpatay. Mga dating sundalo at pulis  ang mga miyembro ng grupo ni Rodica kaya marurunong kumilos at alam din ang kilos ng PNP.

Pero kung alam na ng PNP ang kanilang kupkop na preso, at may kasaysayan na nga ng pagtakas sa tulong ng mga kasama nito, bakit naulit pa?! Ni walang barilang naganap. Basta na lang daw pinahinto ang van, tapos kinuha na si Rodica.

Nakapagtataka naman at alam naman natin na mahilig makipagbarilan ang PNP sa mga kriminal — tulad ng kasong Kuratong Baleleng, yung nangyari sa Del Pan bridge, sa flyover ng Ortigas Center at sa Commonwealth Ave. Eh sa mga iyan, patay lahat ng kriminal, may mga nadamay pang mga sibilyan. Kung alam na nakatakas na dati itong presong ito, bakit kakaunti lang ang mga escorts? Sabihin nang malilikot ang mga isip natin, pero hindi maiiwasan talaga tanungin kung kasabwat ang escorts ni Rodica ang pagpapatakas dito. Ang usapan ngayon ay gustong makuha ng kanyang mga kasamahan ang halos P100 milyon — na umano’y nakuha sa kanilang pagnanakaw.  Kaya walang humpay ang pagpapatakas sa kanya kahit nasa kamay na ng mga awtoridad.

Ipinagyabang pa ng PNP sa media ang muling pagka­kahuli sa kanya. Pero mukhang nagsilbi lang itong impormasyon sa mga ka­sa­ mahan niya para planu­hin muli ang kanyang pag­takas. Hindi ako magtataka na sa muling pag­lutang ni Rodica, eh baka hindi na ka­ilanganin ang pulis kung makuha at mapag­parte-partehan na ng mga kasa­ma­han ni Rodica ang itina­gong pera.

Kaya paano naman tayo, bilang mga mama­mayan, ma­ku­kum­binsi na hindi nagkuku­lang ang mga pulis sa mga tungkulin nila? Paano maba­bago ang imahe ng pulis sa mata ng ordinaryong mama­mayan — na sila’y mapagka­ka­­­ti­­walaan, na sila’y tapat sa tung­kulin, na imbis na ka­bahan ka kapag nilapitan ng pulis ay ligtas ang paki­ramdam mo sa lahat ng sakuna at masa­samang inten­syon? Tanungin n’yo lang si Jun Lozada kung sasama pa siya sa pulis na su­sundo sa kanya kung saan man. Kaya’t huwag na sanang nagbabalat-sibu­yas si Gen. Avelino Razon kapag sinasa­bing nakaka­walang-gana at hindi talaga mapagkati­wa­laan ang mga pulis.  Kasi kahit na­ni­ni­wala rin ako na may mga tuwid at tapat sa tung­kulin — mga buhay na baya­ning ma­ituturing at dapat pu­tu­ngan ng mga korona — ay bakit tila mas marami ang tiwali? 

Malaki ang kailangang gawin ng PNP para ma­bago at gumanda ang imahe nila sa tao. Hindi ito magagawa ng mga pam­papoging billboard sa bukana ng Crame. Ka­ilangang maturuan muli ang lahat ng pulis na gu­malang sa tao, at hindi ka­baliktaran. Ka­ilangan ay mga kriminal ang matakot sa pulis at hindi ang mga ino­senteng mamamayan ang nangangatog pag nila­pitan ng pulis. Kailangan tung­kulin ang nangi­ngiba­baw at hindi am­bisyon. Kung hindi, lalong mada­­dag­dagan lang ang hanay ng mga kasama ni Rodica. Kung sabagay, mas ma­inam na rin si Rodica.  Dati siyang pulis na naging kriminal. At least siya’y nagpakatotoo.

KAYA

KUNG

PERO

PULIS

RODICA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with