EDITORYAL - Nakadidismayang pila sa pagbili ng NFA rice
HINDI maitatatwa ang paghihirap ng nakararaming Pinoy. Nakikita ang katotohanan sa mahabang pila para makabili ng NFA rice. Kapag nakita ng mga dayuhan ang ganito kamiserableng kasalatan sa bigas ng bansa ay baka sila madismaya at iatras na ang kanilang negosyo rito. Nakadidismaya ang wala sa sistemang pila na para bang sagad na nga sa gutom ang nakararaming Pinoy.
Kung mayroong sistema ang National Food Authority (NFA) sa pagbebenta ng bigas, baka hindi na abutin ng sikat ng matinding araw ang mga nagnanais makabili ng bigas. Kaso nga, wala sa sistema ang pagbebenta at marami pa ang dumudoble o tumitriple para makarami ng biling bigas. Napapalusutan pa ang mga nagbebenta ng bigas. Aminado naman ang namamahagi ng NFA rice na hindi na nila matandaan ang mga muling pumipila sapagkat naghuhubad na ng suot na damit para hindi makilala. Kung anu-anong gimik ang ginagawa ng mga nagnanais makabili ng NFA rice.
Kung may magandang sistema sa pagpapapila ang mga nagbebenta sa NFA rice hindi magkakaroon ng kaguluhan at hindi rin magdudulot sa kamatayan. Kagaya ng isang report na isang lalaki, 58 years old ang biglang natumba na lamang. Na-heatstroke ang lalaki. Isinugod sa Northern Mindanao Medical Center subalit dead on arrival na ang lalaki, Hndi nakayanan ang sobrang init. Sinisisi naman ng mga kaanak ng biktima ang hospital dahil sa kapabayaan daw ng ospital. Itinanggi naman ng mga doctor na napabayaan ang lalaki. Maski si President Arroyo ay hindi nakaligtas sa paninisi ng mga kamag-anak ng lalaki. Ibinubunton kay Mrs. Arroyo ang krisis sa bigas.
Maganda naman ang utos ni Mrs. Arroyo na maaari nang makabili sa loob ng public schools ang mga residente sa depressed areas. Dapat ay
- Latest
- Trending