Karera nina Versoza at Barias sa pagka-PNP chief
MAGKAKAROON ng alumni homecoming ang
* * *
Nag-umpisa na ang jockeying para sa mababakan- teng puwesto ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. Kaya ko nasabi yan mga suki ay dahil sa kapansin-pansin na mga artikulo na lumalabas sa diyaryo, TV at radyo ukol sa mga accomplishments nina Dep. Dir. Gen. Jesus Al Ghozi Versosa at NCRPO chief Dir. Geary Barias. Sina Versoza at Barias ang tinaguriang frontrunners sa karera para pumalit kay Razon, na magreretiro na sa Setyembre. Kung may iba pang kandidato, maituturing na mga longshots sila.
Pero sa ganang akin, wala pang nakalalamang kina Versoza at Barias. Si Barias ay masasabi kong senior kay Versoza dahil miyembro siya ng PMA Class 75. Su-balit sa ranggo at seniority sa linear list, si Versoza, na miyembro ng PMA Class 76, ang nangunguna. Mahahatak kaya pababa ni Al Ghozi ang tsansa ni Versoza? Ano sa tingin n’yo mga suki? Intriga lang yan!
Si Versoza ay ginagamit ang tranformation plan, PMO at housing projects ng PNP para makasingit siya sa diyaryo, TV at radyo. Sa ganang akin, mahirap i-sustain ni Versoza ang media mileage niya dahil hindi naman araw-araw me nangyayari sa naturang mga opisina. At dito nakalalamang sa kanya si Barias, dahil puwede siyang mag-react sa samu’t saring isyu maging sa gobyerno tulad ng rice crisis at iba pa o sa kriminalidad.
Kung araw-araw me nangyayaring krimen tulad ng nakawan at iba pa sa Metro Manila, automatic na magkaroon ng reaction si Barias. Malaking papel kasi ang gagampanan ng radyo, diyaryo at TV sa labanan sa pagka-PNP chief. Yan ay kung hindi ma-extend si Razon bunga sa magandang accomplishments niya. Hindi nalalayo ang extension ni Razon dahil may ehemplo sa katauhan ng classmate niya sa PMA Class ‘74 na si AFP chief Gen. Hermogenes Esperon Jr. na sa May 9 pa lilisan sa puwesto. Kaya’t hindi imposible na ma-extend si Razon, di ba mga suki?
Mapapahaba ang labanan nina Barias at Versoza pag nagkataon. Kaya lang, ang napuna ng mga pulis sa MPD, mukhang na-over do ni Barias ang media hype nya. Hindi maganda kasi na sasabihin niyang 20 percent ang ibinaba ng kriminalidad sa Metro Manila dahil kaliwa’t kanan ang patayan, nakawan at iba pang krimen. At ebidensiya d’yan ang mga balita sa diyaryo, TV at radyo. Ayon sa mga kausap ko, hindi dapat gamitin ni Barias ang crime situation sa MM upang itulak ang tsansa niya dahil sigurado akong hindi maniniwala ang sambayanan sa kanya. Abangan!
- Latest
- Trending