^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ningas-kugong pagtitipid na naman ang isusulong?

-

NAKASAKMAL na ang krisis at ang kabuntot nito ay tiyak na ang kampanya ng gobyerno para magtipid ang mga Pilipino. Siguradong ipag-uutos ang magtipid sa tubig, kuryente at gasolina. Pag­titipid lang sa bigas ang hindi maipag-uutos sapag­kat wala namang bigas na titipirin.

Ang kampanya sa pagtitipid ay isinulong na rin noong walang tigil sa pagtaas ang presyo ng gaso­lina. Sa pagtaas ng gasolina ay damay lahat kaya nararapat magtipid sa paggamit.

Noong 2006, pagtitipid sa kuryente ang isinulong ng pamahalaan. Mismong si President Arroyo ang nag-utos na alisin ang mga bombilya sa Mala­ ca­ñang na malakas kumunsumo at palitan ng daylight lamps. Mas makatitipid kung ang mga daylight bulbs ang gagamitin. Maski ang paggamit ng tubig ay mahigpit na ipinag-utos ang pagtitipid. Pinuri ang mga departamento na nakikiisa sa kam­panya. Nanguna ang Department of Health at ang Social Security System sa pagtalima sa direktiba ng Presidente.

Pero makaraan lamang ang ilang linggo ay agad din namang nawala ang kampanya at balik na naman sa pag-aaksaya. Ang mga sasakyan ng gobyerno na malakas lumaklak ng gasolina ay ginagamit ng mga opisyal sa pamamalengke, paghahatid ng anak sa school at makikitang nakaparada sa harapan ng videoke club.

Nasaan na nga ang kampanya ng gobyerno sa pagtitipid? Wala na! Naiisip lamang ang pagtitipid kapag nakasakmal na ang krisis. Ningas-kugon na pagtitipid.

Ngayong may krisis sa bigas at walang tigil ang pagtaas ng presyo ng gasolina, tiyak na magsa­sagawa na naman ng panawagan ang gobyerno sa pagtitipid. Muli na namang kakalampagin ang mamamayan na magtipid para makaiwas sa krisis. At makalipas lamang ang isa o dalawang linggo ay balik na naman sa dating gawi, ang pag-aaksaya.

Sino pa ang maniniwala kung makikitang muli ang mga sasakyan ng gobyerno na malakas lumaklak ng gasolina. Sino pa ang maniniwala sa kampanya sa pagtitipid ng kuryente kung makikita na ang mga lamp post ay nakasindi kahit araw.

Wala nang bisa ang kampanya sa pagtitipid sapagkat ang mismong gobyerno ang lumalabag sa kanilang ipinag-uutos.

DEPARTMENT OF HEALTH

PAGTITIPID

PRESIDENT ARROYO

SHY

SINO

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with