P43-B inilaan sa food crisis
LIBRENG operasyon sa mga harelip: Bago ang ating main point, public service muna. Magsasagawa ang mga doctor na dayuhan ng libreng operasyon sa mga may bingot o harelip sa Diosdado Macapagal Hospital sa Mabini
* * *
Kumilos na ang administrasyon laban sa tumitinding krisis sa pagkain. Sa National Food Summit kamakailan, naglaan ang Pangulong Arroyo ng P43.7-bilyon para pasiglahin ang pagsasaka at pangisdaaan. Layunin din nito na protektahan ang mga Pilipino sa epekto ng nagbabadyang krisis sa pagkain.
Sa kabuuang halaga, P500 milyon ang ilalaan sa fertilizer support mula sa Agricultural Competitiveness Enhancement Fund (ACEF), P6 bilyon para sa irigasyon, at P6 bilyon pa para sa farm-to-market roads (FMRs) at iba pang imprastruktura gaya ng roll-on roll-off (RORO) ferry terminals.
Limang bilyon ang mapupunta sa pagsasanay ng mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at research and development (R&D). Ang hatian dito ay P2 bilyon sa R&D, at tig-iisang bilyon naman para sa capacity building, pagsasanay ng mga trainors at extension workers, at sistemang pang-edukasyon sa pagsasaka at pangisdaan.
Ang halagang P15 bilyon, ay ipapautang sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang maliliit na mangungutang sa mga sakahan. Ayon sa Pangulo, kailangang magpasa ng batas ang Kong reso na magbibigay ng pahintulot sa mga magsasaka na gamitin ang kanilang mga sakahan bilang collateral sa mga bangko para makautang.
P2 bilyon naman ang nakalaan sa mga dryer at iba pang postharvest support gaya ng storage facilities; at P9.2 bilyon para makapagtanim ng certified seeds ngayong taon sa 600,000 ektarya at hybrid seeds naman sa 900,000 ektarya sa mga taong 2009 at 2010. Nagpahayag ng suporta sa FIELDS program ng Pangulo sa katatapos na Food Summit ang Philippine Food Processors and Exporters Organization Inc. (Philfoodex) sa pangunguna ng pangulo nitong si Roberto Amores; Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pangunguna ng chairman emeritus nitong si Ambassador Donald Dee; Philmaize, na kinakatawan ni Rosalie Ellasus; Philippine Association of Broiler Integrators na kinakatawan ni Rita Imelda Palabyab; Philippine Fishing Federation na kinakatawan ni Alonzo Tan; at Philippine Vegetable Council sa pamumuno ni Lyndon Tan.
Pati mga magsasaka at agribusiness leaders ay su muporta rin at nagpasalamat sa mga intervention programs ng DA para sa agrikultura. Kabilang diyan sina Felino Garcia ng Bagong Buhay Multipurpose Cooperative sa Sto. Domingo, Nueva Ecija; Elyvic Ardado, isang magsasaka ng mais mula sa lalawigan ng Sarangani; Rosalie Ellasus, pangulo ng Philippine Maize Federation; Emilio Estubillo, pinuno ng isang grupo ng magbababoy sa South Cotabato; Philippine Association of Broi ler Integrators (PABI), sa pamamagitan ng pangulo nitong si Rita Imelda Palabyab; Charlie Cappriccio, na kumatawan sa milyun-milyong maliliit na mangingisda sa buong bansa; at Marcelino Remotigue, na kumakatawan sa mga maggugulay sa Hilagang Mindanao. Visit my blog site at: alped.multiply.com.
- Latest
- Trending