^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Napakadelikado ng buhay ng mga mamamahayag

-

PITUMPUNG mamamahayag na ang napapatay mula noong 1986. At kamakalawa ay na­dag­dagan na naman ang listahan. Naidagdag sa lis­tahan si Benefredo Acabal, 34, publisher at columnist ng Pilipino Newsmen, isang community tabloid sa Cavite. Pinagbabaril hanggang sa mapatay si Acabal ng isang lalaki noong Lunes dakong alas diyes ng gabi sa Pasig City. Namatay si Acabal dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan. Ayon sa isang testigo, nakita niyang hinahabol ng isang lalaki si Acabal at binabaril hanggang sa bumagsak sa lupa ang mamamahayag. Mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng motorsiklo. Isang sundalo ang nagsugod kay  Acabal sa ospital pero dead on arrival na ito.

Parang manok lamang na pinapatay ang mga mamamahayag sa Pilipinas at isa na nga rito si Acabal na pang-72 na sa listahan ng mga bumu­lagta. Ang sunud-sunod na pagpatay sa mga ma­ma­ma­hayag ang naging dahilan para bansagan ang Pilipinas na ikalawa sa mga mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Ang Iraq ang nangu­nguna sa mapanganib na bansa sapagkat doon ay masahol pa rin sa manok kung targetin at patayin ang mga mamamahayag.

Sa kabila ng mga sunud-sunod na pagpatay sa mga mamamahayag, wala namang magawang pa­raan ang pamahalaan para mahuli at maparu­sahan ang mga nasa likod ng pagpatay. May ilang nadakip pero nakapagdududa kung sila nga ba ang mga salarin. Walang maiturong utak sa pagpatay.

Ang pagpatay sa mga mamamahayag sa Pili­pinas ay mariing kinondena ng mga dayuhang mama­ma­hayag. Kabilang sa mga kumokondena ay ang New York-based Committee to Protect Journalists at ang French Reporters Without Borders. Bina­batikos nila ang mabagal na pagkilos ng pama­halaan para maprotektahan ang mga mamama­hayag.

Pinakamaraming napatay na mamamahayag noong 2006 kung saan umabot sa 12. Noong naka­raang taon, tatlo ang iniulat na napatay. Hanggang sa kasalukuyan pawang hindi nalulutas ang mga pagpatay. Natambakan na at inaagiw  ang mga kaso. Ang mga kaanak ng napatay ay patuloy na sumisi­gaw ng hustisya. Tanong nila: Hanggang kailan sila maghihintay?

ACABAL

BENEFREDO ACABAL

FRENCH REPORTERS WITHOUT BORDERS

HANGGANG

MAMAMAHAYAG

NEW YORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with