Dear Doc Willie, sumulat ako sa iyo dahil nabasa kita sa Pilipino Star NGAYON ang paborito kong diyaryo. Natuwa ako sa issue mo tungkol sa “dyeta sa diabetes”.
Tawagin mo na lamang akong Mang Bert, may -asawa, 56 years old. Natuklasan kong may diabetes ako dalawang taon na ang nakararaan. Ang importanteng tanong ko po ay ano po ba ang maipapayo mo para manumbalik ang kasiglahan ko sa sex. Ayaw na pong tumigas ni manoy, ano po ba ang mainam?
Isa pa Dr. Ong, ang tamod ko ay kaunti lang kung lumabas hindi tulad noong mga nakaraang taon na tumitilamsik at marami, bakit po kaya? Sana matulungan mo ako sa aking problema. Umaasa. God bless!
Hi Bert,
Salamat sa sulat mo. Sa dami ng mga sumusulat sa akin ay pinili ko ang liham mo dahil alam kong malaki ang problema mo. Mahirap ang masira ang sex life lalo na sa ating kalalakihan. Iyon bagang, “Gusto pa ng isipan pero mahina ang katawan.”
Ang tanong mo ay bakit nagkaganoon si Manoy at ayaw nang tumigas? Ang masisisi rito ay ang diabetes mo. Alam mo ba na kapag ang diabetes ay pinabayaan ng limang taon ay magiging impotent ka na?
Ito’y dahil sinisira ng diabetes ang mga UGAT natin, mula sa puso (atake sa puso), mata (pagkabulag), paa (pagkamanhid at puwedeng maputulan ng paa) at ari ng lalaki (paglambot ng ari). Nagbabara at kumikipot ang daanan ng dugo sa ari. Dahil dito, hindi na titigas ang ari kahit ano pang gawin o basahin.
Ang solusyon dito ay dapat IBABA ang asukal sa dugo. Heto ang mga numerong kailangan itaga sa isipan ng lahat ng diabetiko.
1. Fasting blood sugar na hindi lalampas sa 105 mg/dl
2. Two-hour blood su-gar na hindi lalampas sa 140 mg/dl
3. Hemoglobin A1C na hindi lalampas sa 6 mmol/L
Kung kayo’y may diabetes, i-check ang unang dala-wang test ng dalawang beses kada linggo. Kung kaya ng budget, bumili ng sariling blood sugar monitor para maibaba ng husto ang blood sugar. (P3,000 ito sa Bambang, Rizal Aven ue.)
Yung Hemoglobin A1C naman ay puwedeng i-check sa laboratoryo kada dalawang buwan. Tandaan, kapag limang taong lam-pas sa normal ang iyong mga numero sa diabetes, puwedeng maglaho ang iyong sex life.
Magpakonsulta sa isang endocrinologist o diabetes specialist para sa tamang gamot na iinumin. Karamihan ng diabetiko ay kailangang uminom ng gamot. Makatutulong din ang tamang diyeta at ehersisyo.
Kaya Bert, kapag normal na ang iyong blood sugar, mapipigilan na natin ang panghihina ni Manoy at baka manumbalik pa ulit ang sigla, lakas at dami ng iyong inaasam. Good luck po.
* * *
E-mail: drwillieong@gmail.com