^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sa tipus ba malilipol ang mga naghihikahos?

-

LUMABAS na kahapon ang resulta ng isina­ gawang water test sa Calamba, Laguna kung saan ay mahigit isang libong residente ang apek­tado ng tipus. Ang resulta: kontaminado ang tubig at ito ang dahilan ng pagkalat ng tipus. Sabi ng Department of Health (DOH) positibo sa Salmonella typhi ang sample ng tubig na kanilang idi­naan sa pagsusuri.

Ilang linggo nang laman ng pahayagan at napa­ panood sa TV ang mga residente ng Calamba na nagsi­siksikan na sa J. P. Rizal Public hospital at hanggang ngayon ay marami pa ring nasa ospital. Dahil sa dami ng pasyente sa nabanggit na ospital, pati ang lobby ng ospital ay inokupa na rin ng mga tinamaan ng tipus.

Tubig ang dahilan kaya may tipus. Tiyak na may mga leak ang tubo ng tubig at sa mga butas nito nagdaan ang Salmonella tyhpi. At maaaring hindi lamang ang bacteria ng tipus ang makapagdaan sa tubong may leak kundi pati ang mga bacteria na nagdudulot ng kolera at iba pang sakit. Karami­han sa mga tinamaan ng tipus sa Calamba ay mga batang may edad pitong taon.

Nararapat na imbestigahan kung nagkulang ang Calamba Water District (CWD) sa nangyayaring pagkalat ng tipus na ang dahilan ay ang iniinom na tubig. Una nang sinabi ng CWD na hindi konta­minado ang tubig na isinusuplay nila sa mga barangay. Sigurado raw silang malinis iyon.

Sa modernong panahon ngayon na makabago na at hi-tech ang mga gamit, mahirap isiping naka­lu­lusot pa rin ang bacteriang kagaya ng Salmonella tyhpi at magdudulot ng takot sa mama­mayan. Ang ganitong senaryo ay noon pang unang panahon nangyayari kung saan ay wala pang ganap na impormasyon ang taumbayan sa mga sakit na gaya ng tipus, kolera, El-Tor at maski na ang diarrhea.

Maunlad na raw ang bansa. Pero nakapagta­takang may mga pangyayari pang ganito na naka­lagay sa panganib ang buhay ng mamamayan. Habang ang gobyerno ay abala sa mga proyektong katulad ng NBN, CyberEd at iba pang may mataas na teknolohiya, bakit hindi ang unahin ay ang pag­pa­pabuti sa sistema ng iinuming tubig para makaligtas sa panganib ang mamamayan. Sa tipus ba matatapos ang mga naghihikahos?

CALAMBA

CALAMBA WATER DISTRICT

DEPARTMENT OF HEALTH

RIZAL PUBLIC

SHY

TIPUS

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with