^

PSN Opinyon

Prostate cancer

WHAT’S UP DOC - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, hiling ko po na sana ay talakayin mo ang tungkol sa prostate cancer. Alam ko po na espesyalista ka sa cancer kaya naniniwala akong mabibigyan mo ng magandang kasagutan ang may kinalaman sa sakit na ito at kung sino ang mga apektado nito.

Ako po ay 60 taong gulang at masugid na tagasu­baybay ng NGAYON.

FRANCISCO MERCADO, Mandaluyong City

Maraming salamat sa pagsulat mo at sa papuri sa aking column.

Gusto kong ipaliwanag muna kung ano ang prostate.

Ang prostate gland ay matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder. Ang trabaho ng prostate ay magproduce ng semen. Kasinglaki ito ng itlog ng manok.

Sa tanong mo na kung sino ang apektado ng prostate cancer ang mga kalalakihang may gulang na 50.

Walang eksaktong nakaaalam kung ano ang dahilan ng prostate cancer. Karaniwang nagkakaroon ng prostate cancer ang mga kalalakihang iba’t ibang babae ang nakatalik. Maaari ring magkaroon ng prostate cancer ang lalaking nagkaroon ng sexually transmitted diseases. Naiuugnay  din ang pagkakaroon ng prostate cancer kung ang lalaki ay mataas ang intake ng mga mamantikang pagkain o palaging karne ang kinakain. Nasa panganib din ng prostate cancer ang mga kalalakihang nakalantad sa cadmium.

Walang sintomas na nakikita kung ang cancer ay nasa early stage pa lamang. Ang cancer ay nadidiskubre nang hindi sinasadya kapag mayroong inaalam na hindi magandang nararamdaman sa katawan.

Magsasagawa ang doktor ng digital rectal exam sa pasyente sa pamamagitan ng pagpapasok ng daliri     (naka-gloved) sa ilalim ng rectum para madama kung ang gland ay matigas at lumalaki.

Ang ibang examination na ginagawa para malaman anong stage ng cancer ay ang diagnostic ultrasound,  computerized Tomography scans, Magnetic Resonance imaging at nuclear medicine bone scan.

Mayroong complications pagkatapos gamutin ang  prostate cancer at ito ay ang hindi agad makaihi. Mayroong hindi agad makontrol ang kanilang pag-ihi. Maging impotent, rectal symptoms, Pagkasira ng sperm cells.

Ang iba pang paggamot sa prostate cancer ang maaaring gawin ay alisin ang bayag (castration) ay bigyan ng female hormones, anti-hormones o isailalim sa chemotheraphy.

Ang mga available na gamot sa Pilipinas bagamant may kamahalan ay ang Fugerel, Honvan, Zoladex at Androcur. May side-eefects ang mga nabanggit na gamot kaya ka­ ilangan ang advice at supervision ng doktor.

Ang prostate cancer ay ma­ aaring magamot kung made-detect ito nang maaga at ma­bi­ bigyan ng tamang paggamot sa lalong madaling panahon. Sa mga kalalakihan huwag mag-atubiling magpa­tingin sa doktor kung naghihi­nala ka­yong may prostate cancer.

vuukle comment

CANCER

DR. ELICA

KUNG

PROSTATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with