MAGANDANG istorya ito na gusto kong ibahagi. Tipikal na halimbawa ng mga magkakaanak na pagdating sa kayamanan ay nakakalimutang mas matimbang ang dugo kaysa ano mang bagay. Nagpapatunay din sa isang biblical scripture na “the love of money is the root of all evils.”
Maihahambing natin ito sa nangyayari sa bansa. Kung yung magkakapatid ay nag-aaway sa pera, yun pa kayang magkababayan lang kagaya nang nangyayari ngayon sa kontrobersyal na ZTE broadband deal. Pero hindi iyan ang paksa natin.
Sino’ng hindi makakakilala sa kompanyang guma-gawa ng tanyag na Green Cross Alcohol at Zonrox na isa na ngayong multi-milyong pisong business empire?
Idinemanda ni Chief State Prosecutor Jovencito R. Zuno ng pitong kaso ng estafa ang mga magkakapatid na may-ari ng kompanya dahil sa umano’y panloloko at pandaraya sa tunay na may-ari na kanila ring kapatid na si Co It a.k.a. Gonzalo Co. Si Co ay matanda na ngayon, sinasabing naghihirap at walang sariling bahay.
Si Co ang umano’y nagtayo at namuhunan sa kumpanya at siya rin ang nag-imbento ng mga pangalang “Green Cross” at “ Zonrox”. Pero nang lumago ang kompanya, inangkin umano ng kanyang mga kapatid ang mga shares na ipinagkatiwala lamang ng kanilang kuya. Kaya nakahabla ngayon sa Parañaque, Pasay at Maynila sina Anthony A. Co, Peter A. Co, Mary Co Cho, ang hipag na si So Hua T. Co, Lucy Co, Nancy D. Co, kasama ang kani lang mga anak na sina Michael Anthony Co, Ann Marie Y. Co-Imperial, Joanna Liza Co Yap, Jim Lewis T. Co, Nessie Pearl C. Chan, Sandy L. Chan, Mark David C. Cho at Dick Milton C. Cho.
Iniutos ni DOJ Secretary Raul Gonzales na siyasatin ang kaso ng NBI na kung saan ay nagbigay ng NBI report at makakapal na dokumento na siya namang ginamit ng Panel of State Prosecutors laban sa mga akusado. Kinatigan ng mga prosecutors si Co at sinabing ang kanyang “positive and categorical statements” ay “more consistent with logic and common human experience.”
Sinasabing “dubious” ang subscription ng mga bata sa billions of shares dahil wala naman silang “proof of income during those times.” Sila Antho ny Co et. al. ay may mga milyun-milyong mansion daw at building sa Ayala Alabang samantalang ang kanilang pinaka- kuya na si Gonzalo Co ay walang sariling bahay at ngayon ay matanda na. I pray that this legal issue be settled amicably lalo pa’t ang involved ay magkakadugo.