^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa high-tech na sindikato ng bank fraud at scams! (3)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KARUGTONG ito nang nalathala noong Miyerkules ukol sa mga sindikatong nasa likod ng bank fraud at scams.

Trabaho ng sindikato na mamagitan at solusyunan    ang reklamo ng mga bank depositors kung mayroon   mang naging problema sa kanilang pera at ayaw itong pana­gutan ng banko.

Nasa ilalim ng kapangyarihan ng BSP ang mga banko, remittance company at maging mga pawnshops.

Ayon na rin sa BSP, pinarerehistro nila ang mga establi­simentong ito sa kanilang tanggapan upang mapanatili na lahat ng transaksiyong may kinalaman sa money at account transactions ay lehitimo.

Bumabagsak ang mga ganitong problema sa Anti-Money Laundering Act ng BSP. Paano kung failure      mediation ang hatol ng BSP sa inirereklamong banko at remittance company at ng kanilang kliyenteng nagre­reklamo?

Nararapat lamang na sila mismo ang magpasa ng kaso sa mga alagad ng batas para sa pormal na imbestigasyon. Hindi ‘yung tuturuan nila ‘yung biktima na magsampa na lamang ng kaso.

Sa totoo lang kasi, kawawa ang biktima rito, bukod sa napakahabang proseso, mauuwi lamang sa wala ang kaso.

Sa tulong ng mga alagad ng batas sa kanilang imbes­tigasyon, sa pamamagitan ng court order, puwede nilang obligahin ang banko na ilabas ang mga dokumento o ebi­densiyang tutulong sa paglutas ng bank fraud at scam.

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

AYON

BUMABAGSAK

MIYERKULES

NARARAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with