Gustong patahimikin si Jun Lozada
SA palagay ko, may masamang balak kay Rodolfo Lozada, Jr. kaya siya “kinidnap” ng mga kalalakihan habang nasa airport galing sa
Pero masuwerte pa rin si Lozada at nakaligtas siya. Gusto siyang mawala dahil sa maaaring ibulgar niya ang detalye kung papaanong ang mga matataas na opisyal ay makikinabang sa NBN deal. Mabuti naman at listo ang mga kamag-anak at kaibigan niya. Si Lozada ay kinuha ni dating NEDA chief Romulo Neri bilang consultant ng NBN.
Marami ang nagsasabi na kaya kinidnap si Lozada ay dahil maghahasik ng lagim at isisiwalat ang partisipasyon ng mga taong-gobyerno na kikita ng limpak-limpak na pera. Ayan na nga. Totoo nga ang kinatatakutan nila na maaaring gawin ni Lozada. Nagsalita na nga si Lozada.
Lumilitaw ngayon na hindi gawa-gawa lamang ni Joey de Venecia, anak nang napatalsik na House Speaker JDV ang ginawa niyang pagsisiwalat laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at First Gentleman Mike Arroyo. Nagpahiwatig si Joey na maaaring alam ni President Arroyo na may mga taong kikita nang malaking pera sa nasabing transaksiyon.
Nang patalsikin si JDV bilang House Speaker, nag-privilege speech siya at inilabas ang baho ng mga Arroyo. Kasama na rito ang NBN deal at iba pang mga “money-making projects”.
Kahapon ay humarap na sa Senado si Lozada at
- Latest
- Trending