^

PSN Opinyon

Mga graduating students na may board exam, paborito ng mga fixers!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PAGBABAHAY-BAHAY ang bagong estilo ng mga pes-teng fixers ng mga ahensiya ng gobyerno upang tangkili-kin ng mga nangangailangan ang kanilang serbisyo.

Mga graduating students na may board exams ang kinukuhang kurso ang kanilang paboritong prospects.

Ito ang sistemang natuklasan ng BITAG at Mission X nang lumapit sa amin ang isang graduating student ng isang kilalang criminology university sa Maynila.

Ayon sa nagrereklamo, katatapos lamang ng kanyang board exam nang puntahan siya sa bahay ng isang nagpakilalang rehistradong fixer umano ng Professio-      nal Regulation Commission (PRC).

Nagpakilala ito na kapatid umano siya ng isang kila­ lang opisyales ng PRC. Pinipilit ang estudyante na ipasilip sa kanya ang kanyang grado sa katatapos lamang na board exam.

At kung sakaling bagsak daw ang grado ng estudyante ay kayang-kaya niyang ipasa ito. Sa tulong daw ng ka­patid na nagtatrabaho sa PRC ay magagawa niyang dukutin ang resulta ng kanyang board exam.

Ayon pa sa estudyanteng nagsumbong sa BITAG at Mission X, sa halagang dalawampung libong piso, magagawa daw ng fixer na siya ay magkalisensiya.

Nagawa na daw niyang tumanggi sa unang pagkaka­taon subalit makulit at binabalik-balikan daw siya ng nasabing fixer.

Dahil pamilyar ang estudyante sa tunay na modus ng mga fixers, minabuti niyang lumapit sa BITAG at Mission X. Agad naming ikinasa ang entrapment operation na ginawa mismo sa loob ng bahay ng biktima.

Pinatunayan din ng PRC na ang fixer at ipinapakila-lang kapatid daw nito na opisyales ng PRC ay hindi nila mga empleyado.

Giit ng nagsumbong na estudyante, mas ma­inam na ang magka­li­sensiya dahil sa sari­ling hirap at pagod kesa uma­sa sa serbisyo at mabik­tima lamang ng mga manlolokong fixers.

Panoorin ngayong Sabado sa BITAG!

AYON

DAHIL

DAW

MISSION X

REGULATION COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with