^

PSN Opinyon

Citizens’ watchdog committees

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NILABAS na ng Malacañang search committee ang mga posibleng kandidato para Comelec Chairman. Ayon sa mga ulat, ang nangunguna ay sina Ret. SC Justice Jose Melo at Former Justice Secretary Artemio Tuquero. Kasama nina State Prosecutor Jovencito Zuño, Lente Convenor Carlos Medina at Ret. Sandiganbayan Justice Raul Victorino, sila ang limang “survivor” ng ginawang pangungunsulta sa publiko at pagsuri ng kuwalipikasyon ayon sa rekord at kredibilidad. Siyempre, hindi tayo makasiguro kung ito’y babasahin man lang ni GMA. Nung huling may bakanteng puwesto sa Komisyon, may “short list” na lumutang na mismong sa Malacañang nagmula. Sa huli ay isa ring wala sa listahan, si Judge Moslemen Macarambon ang hinirang.

Sa kabila nito ay hindi pa rin mapigilan ang mga priba­dong grupo na magtatag ng kani-kanilang lupon o “citizen’s watchdog committees” upang bantayan ang proseso. Pinakamasigasig dito ang CAW (Comelec Appointments Watch), isang samahang naglalayong linawin sa tao ang patakaran. Kung tutuusin ay wala sa batas ang panghihi­ masok nitong mga “civil society” sa proseso. Tanging ang Presidente ang may karapatang mamili ng nominado at ang Commission on Appointments ang magkukumpirma nito. Sa kabila nito ay tangka nilang maimpluwensyahan ang desisyon sa pamamagitan ng pagmulat ng mata ng lipunan sa mga kuwalipikasyon ng mga pagpipilian.

Ang Comelec nga naman ang pinakamahalagang ins­titusyon ng pamahalaan sa ngayon – malaki ang maitu­tulong na pagpili ng mga karapat-dapat mamuno tungo sa pananahimik ng lipunan. At salungat nito, kapag pumal­pak si GMA sa kanyang mga nominado –— malaking dagok na naman ito sa kampanya ng palasyong makabawi ng kredibilidad. Kung inaakalang nalimutan na ng tao ang “Hello Garci”, huwag silang magkamaling mag-akala na papayag tayong mangyari itong muli.

Dapat ay natutunan na ng bansa ang leksiyon ng EDSA 1 at EDSA 2. Bagamat tayo’y may pinagkatiwa­laang mga kinatawan, kailangan pa rin ang patuloy nating pagmamasid at pagpapaalala sa kanila nang hindi sila makalimot at mang-abuso tulad ng nangyari sa mga nakaraang panahon. Ang “people’s participation” nga ay isinama bilang bahagi ng ating Saligang Batas matapos ng EDSA 1. Kaya dapat lang supor­tahan ang mga hakbang tulad ng ginagawa nitong CAW. Anumang magdadagdag kredibilidad sa COMELEC at sa ating    mga institusyon ay karapat-dapat na tangkilikin.

vuukle comment

ANG COMELEC

COMELEC APPOINTMENTS WATCH

COMELEC CHAIRMAN

FORMER JUSTICE SECRETARY ARTEMIO TUQUERO

HELLO GARCI

JUDGE MOSLEMEN MACARAMBON

JUSTICE JOSE MELO

LENTE CONVENOR CARLOS MEDINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with