^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Sunud-sunod na ang sunog

-

SUNOG ang bumulaga sa pagpasok ng 2008. Nasu-nog ang Baclaran Mall noong nakaraang linggo at milyong piso ang tinatayang pinsala. Hang­gang ngayon umano ay may umuusok pa sa nasu­nog na mall. May lumutang pang kontrobersiya na kinokotongan umano ng mga taga-Bureau of Fire Protection ang mga negos­yanteng may puwesto sa mall para unahing bombahin ang kanilang puwesto. Reklamo ng ibang may puwesto, napakabagal ru­mesponde ng BFP. Itinanggi naman ng BFP ang para­tang. Hindi raw sila makapasok sa mall dahil masyadong maraming sasakyan sa area.

Bago ang pagkasunog ng Baclaran mall dala­wang magkasunod na sunog ang naganap sa Tondo noong Bagong Taon. Maraming bahay ang natupok sa dalawang sunog. Noong Linggo, nagkaroon ng sunog sa San Francisco del Monte kung saan pati ang pinaglalamayang bangkay ay nasunog. Hindi raw agad nakapasok ang mga bumbero dahil maliit ang eskinita kaya hindi na nagawang makapasok ang mga bumbero.

Sunud-sunod na ang mga nangyayaring sunog at posibleng may mangyaring malagim na insidente kung hindi kikilos nang maaga ang Bureau of Fire Protection para magbigay ng babala sa mamamayan na mag-ingat sa sunog. Karaniwan nang kung Marso nagsisimula ng kanilang kampanya ang BFP. Nga­yon ay hindi na dapat pang hintayin ang Marso para maipamulat sa mamama­ yan ang mga tamang gaga­win para mag-ingat sa sunog.

Magsagawa ng kampanya sa TV at diyaryo ang BFP  para ganap na mabigyan ng babala at mamulat ang ma­ mamayan para makaiwas sa sunog. Ipaalala ang mga malalagim na sunog na nangyari upang mabigyan ng babala.

Ang sunog na nangyari sa Ozone Disco sa Que­zon noong dekada ‘90 ay isang halimbawa. Kara­mihan sa mga namatay sa Ozone ay mga nagsese­lebra sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Maraming namatay sa nasabing disco house sapagkat walang fire exit. Nang may pumutok at kumalat ang apoy, hindi malaman ng mga nagsisipag­saya kung saan lalabas. Na-trap sila sa loob. Hanggang ngayon ang alaala nang malagim na sunog sa Ozone ay hindi pa nawawala sa isipan ng mga biktima. At mas lalo pang umaantak sapagkat hindi pa sila nakakakamit ng hustisya.

Ang nangyari sa Ozone at sa iba pang establishment, dorm­ itoryo at bahay ay maaaring maulit kung hindi ma­imumulat ang bawat isa na mag-ingat. Um­pisahan na rin naman ang pag-inspeksiyon sa mga building para ma­laman kung mayroon ba silang fire exit. Karaniwan nang dikit-dikit ang mga lumang dormitoryo at boarding house sa university belt area kaya kapag nagkaroon ng sunog ay madaling kumalat. At dahil nga karamihan sa mga ito ay walang fire exit, nasusunog nang buhay ang mga nakatira. Hindi na dapat hintayin pang mangyari ang malalagim na insidente kaugnay ng sunog. Bigyang-babala ang mamamayan habang maaga.

BACLARAN MALL

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

KARANIWAN

PARA

SHY

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with