MAGANDA ang panimulang taon ni Region 4-A bossing Chief Supt. Ricardo Padilla sa madlang people ng Batangas porke pina-‘STOP’ ibig sabihin, pinatigil niya ang jueteng operation todits kahit na milyon piso ang naging tiembre ng gambling lord sa mga bugok na opisyal ng gobierno para makabola.
Dapat palakpakan si Padilla sa kanyang 1st New Year accomplishment for 2008 !
Sabi nga, Mabuhay ka, Sir!
Si Padilla, ay naging PNP bossing sa Region 5 – Bicol pero nasipa ito todits dahil daw sa isyu ng jueteng?
Totoo kaya ito?
Pumalag daw si Pady ng magdala ng bangka ang taga-Crame para sila ang bumola sa Bicol?
Ika nga, sila ang management.
Ang big problema inayawan daw ni Pady? Kaya hayun sibak siya. Hehehe!
Ngayon kakaupo lamang niya sa Region 4-A at dehins pa nag-iinit ang wet-pu pero saludo agad ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawa desisyon ni Pady sa Batangas.
Sana pati ang jueteng operation nina Cupcupin at Ebeng sa Cavite, mag-syotang Charing at Eddie kabayo sa Quezon, Tony Santos sa Rizal at Jaruta ng Laguna, ay ipasara din.
Sabi nga, patas-patas lang. Hehehe!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang pinagkaiba ang jueteng sa droga halos pareho ito. Sa ispeling lang nagkatalo.
Sa jueteng, tamang nakaw ang sugarol dahil kapag walang pangtaya nag-iilusiyon ang kamote nangangati ang kamay para makapag-sugal. Halos ganito rin ang tama sa droga kapag alaws pitsa tiyak magnanakaw ito para masustini ang bisyo sa tripping.
Sabi nga, tiong-ki!
Walang humpay ang hulihan ng kubrador sa Batangas after New Year kahit saan sila magsuot huli ang mga pobreng alindahaw.
Ika nga, left and right ang operasyon.
Kapag ginusto pala ng katulisan na pahintuin ang illegal gambling tiyak walang magagawa ang mga financer.
Ika nga, walang puedeng bumali sa utos ni Padilla!
Kaya naman naglulundagan sa tuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa aksyon ni Padilla sa jueteng dyan sa Batangas.
Ayon ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang may bago daw bangka ang gustong pumasok sa Batangas kaya pinahinto ito? Totoo kaya ito, Mr. Elmer Nepomuceno?
Si Nepomuceno daw ngayon ang namamayagpag sa Region 4-A matapos makipag-away sa kanyang grupo sa Southern Metro siempre regarding sa isyu ng jueteng.
Ang dating grupo ni Elmer Nepomuceno sa Southern Metro ay tumigil na rin matapos ratratin ng PNP-CIDG.
Sabi nga, naghimas ng rehas ang mga kubradores for one night. Hehehe!
Kawawa naman… umiiyak daw ang bangka sa Southern Metro porke sangkatutak ang ginastos nila para piyansahan ang kanilang people.
May panibagong grupo din kasing pinaplansta para pumasok sa mga lugar ng Muntinlupa, Makati, Las Piñas at Parañaque na bitbit ng isang danaw, kasi nakakolekta ng advance P1 million goodwill ang mga hunghang buhat sa mga jueteng financer na sina ‘tibo lee at James’ ng Antipolo.
Kung nakayang pahintuin ng isang Koronel ng CIDG ang jueteng operation sa Southern Metro ’di puede din nilang pahintuin ito sa ibang lugar sa Metro Manila tulad ng CAMANAVA, Quezon City at Manila.
Ano kaya ang masasabi dito ni NCRPO bossing Geary Barias?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Elmer Nepomuceno din daw ang nagpatira sa dati niyang mga kasamahan sa dayaan bolahan dyan sa Southern Metro.
Sabi nga, nagkaroon ng double cross sa usapan?
‘Magaya kaya ni Barias ang ginawa ni Padilla sa Batangas?’ tanong ng kuwagong nabukulan.
‘Eh bakit hindi’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Ang importante ay ang political will!’ sagot ng kuwagong maninisid ng tahong.
Abangan.