^

PSN Opinyon

Rojas laging topnotcher

- Bening Batuigas -

SOBRA-SOBRA ang administrative at operational accomplishments nitong pulisya natin sa Laguna sa pamumuno ni Sr. Supt. Felipe Rojas Jr., at hindi tayo magtataka kung mapupuna siya ng PNP headquarters sa Camp Crame. Kung sabagay, kahit saan mapunta itong si Rojas ay palaging topnotcher siya pagdating sa trabaho. Kaya’t sangkatutak na awards na ang napanalunan niya. Hindi naman kaila sa atin mga suki na naging best-best na itong si Rojas sa San Pablo City at dalawang beses din siya napili bilang Best City Police Station ng NCRPO noong hepe pa siya ng Marikina City police. At dahil sa administrative at operational accomplishments niya sa Laguna baka madagdagan pa ang naipon niyang awards, di ba PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Sir? Kung sabagay, kapag nagsipag ka tiyak na kahihinatnan ito, di ba mga suki? Kaya’t tiyak lamang na ng isang hakbang itong si Rojas sa mga kalaban niya sa Best-Best ng PNP natin sa darating na anibersaryo nito sa susunod na buwan.

Mula Enero hanggang Nobyerbre  30, 2007, aabot lang sa 1,186 crime incidents ang nangyari sa 27 bayan at tatlong siyudad ng Laguna. Ang average monthly crime rate (AMCR) ay 4.64 na 33 percent lower sa 4.97 na na-register noong 2006. Ang kasong murder ay bumaba mula 119 at 105 ngayon,  physical injuries sa 200 to 171, rape 46-41, robbery 138 to 106. Subalit tumaas naman ang bilang ng homicide mula 98 hanggang 105 at theft from 146 to 160. Kaya lang sa 1,186 crime incidents eh 1,051 na kaso ang nalutas ng mga tauhan ni Rojas o 88.62 crime solution efficiency (CSE). O di ba mataas na yan ha Gen. Razon Sir? Kasi nga ang ibig sabihin niyan mas ligtas ang mamamayan sa Laguna kumpara sa ibang lugar ng bansa natin.

Sa mga wanted persons naman, napatay ng mga bataan ni Rojas sa engkuwentro sa Bgy. Concepcion sa bayan ng Lumban noong Setyembre 7 itong si Oscar Lacbay alyas Pocart na nakalistang No. 10 most wanted person ng PRO4-a. Si Lacbay ay may patong sa ulo na P200,000. Sa municipal level naman 19 na wanted persons ang sumama sa hukay kay Lacbay.  Hindi lang yan. Aabot rin sa 706 wanted persons ang naaresto ng Laguna PNP sa pamamagitan ng pag-serve ng warrant.

Sa loose firearms naman 132 katao ang inaresto ng mga tauhan ni Rojas at nakumpiska sa kanila ang 121 undocumented firearms at tatlong hand grenade. Sa 70 operations naman para ipatupad ang Comelec gun ban, nakumpiska naman ang 73 firearms at 2 granada, at 77 na balisong. At higit sa lahat, 70 kaso ang isinampa sa korte. Pero ang pinakamalaking accomplishments ng Laguna PNP ay ang pagbuwag ng limang drug laboratory sa kanilang probinsiya sa tulong ng PDEA at AIDSOTF. Naaresto rin nila ang 637 katao, kung saan 125 dito ay mga pushers, sa isinagawang 392 anti-drug operations at nakumpiska rin ang 10,156 grams ng shabu at118,803 grams ng marijuana. Ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB), aabot sa P23,309,083.083 ang halaga ng drugs na nakumpiska ng Laguna PNP. O meron ba kayong accomplishment na kagaya niyan?

Sa anti-kidnapping naman, dalawang kidnaper ang natigok ng mga bataan ni Rojas at siyam pa ang inaresto sa dalawang operation na isinagawa nila. Ang nakum­piskang mga armas ay 2 kalibre .45, 2 .38 revolver, isang M30 carbine, isang Granada at 2 van.

Pitong operation din ang isinagagawa laban sa mga carnapper at walo sa kanila ang arestado at pito ring sasakyan ang nabawi. Madami pa eh! Kulang talaga ang espasyo ko. Abangan

AVELINO RAZON SIR

BEST CITY POLICE STATION

CITY

DRUGS BOARD

KAYA

NAMAN

ROJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with