^

PSN Opinyon

Celebrity Night sa NPC buhay na naman

- Al G. Pedroche -

THE press is depressed because it is oppressed. Sa nature ng aming trabaho, very predisposed kami sa hypertension. Sa nabigong rebelyon ng Magdalo group ni Trillanes sa Peninsula Hotel sa Makati, pati mga reporters, photogs at cameramen na kumokober ay pinagda­dampot ng mga pulis. Ang masakit, imbes na posasan ay itinali na lang ng nylon cord ang mga kamay! What a shame! Yung Fourth Estate ay “nababoy” at naging “pork estate.”

Pasaway talaga kami pagdating sa pagkalap ng  istorya. Trabaho lang. We need to  keep our stand as the eyes and ears of the people sa mga importanteng pangya­yari sa ating bansa. Nakakatensyon talaga job namin. Reporter ka man, photographer, cameraman o editor. Iyan ang dahilan kung bakit naisipan naming i-revive ang Celebrity Night sa National Press Club of the Philippines (NPC) tuwing Biyernes ng gabi. Pampawala ng tension. Hopefully, pampahaba ng buhay dahil marami na sa amin ang (nak on wud) natitigok sa hypertension. Huwag lang totoma ng sobra-sobra para ayos ang good time.

Mangunguna sa formal re-launch ng Celebrity Night si NPC President Roy Mabasa. Ang tema’y “Paskong kay Saya”  with yours truly na chairman ng Celebrity Night committee at si Bobby Enciso ng Manila Bulletin na vice chairman. Kaming dalawa ni Bobby ang host ng pagta­tanghal. Ang guest celebrity ay ang walang kupas na “Shirley Bassey” of the Philippines, Ms. Carmen Pateña. So tinatawagan ko ang ating mga kabaro sa media, if you wish to unwind on Friday night,  sama-sama tayo sa NPC. Siyanga pala, maraming salamat sa ating butihing Senador na si Bong Revilla na tumulong nang malaki para maging matagumpay ang Celebrity Nights.  Si Senator Bong ay masugid ding na­na­nawagan na magsasa­gawa ng imbestigasyon     sa nabanggit nating media arrest na mukhang prelude sa panunumbalik ng mar-tial law (huwag naman).   Ka-gimmick din natin si Bong sa Friday mga coma­rades kaya join na kayo para ma­saya.

By the way, tribute na rin ang Friday’s celebrity night sa pagdiriwang ng ika-50 taong kaarawan sa show-biz ni Ms. Carmen Pateña. Nagpahayag ang editor ng Journal na si NPC direk  Dennis Fetalino na ang Pas­kong kay Saya ay tunay  na kagigiliwan ng mga NPC members.

See you there comrades. Showtime is at 7 pm.

BOBBY ENCISO

BONG REVILLA

CELEBRITY NIGHT

CELEBRITY NIGHTS

MS. CARMEN PATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with