^

PSN Opinyon

World Pool Championship nagbigay ng positive exposure sa Pilipinas

- Al G. Pedroche -

MABAIT pa rin si Lord sa atin. Sa kabila ng dalawang kaso ng karahasan (Glorietta-2 at Batasan bombing) matatag pa rin ang piso na nasa P43 sa isang dolyar at maganda pa rin ang performance ng stock market. Lalu pa sigurong sisigla ang ekonomiya at mabilis na mararamdaman ng taumbayan ang epekto nito kung wala na ang sobrang pamumulitika at kaso ng karahasan. Anyway, kahit may mga travel advisory ang ilang bansa laban sa pagpunta sa Pilipinas, hindi pa rin maawat ang mga dayuhang turista sa pagpasyal sa Pilipinas. God’s grace ito.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), lalu pang daragsa sa bansa ang mga turista dahil sa katatapos na 2007 World Pool Championship na nagbigay karangalan sa Pilipinas matapos pumanga-    lawa sa kampeonato kasunod lang ng bansang Inglatera. PAGCOR ang pangunahing sponsor ng torneo.  Ayon  kay PAGCOR Chair Efraim Genuino, posi­tibo ang ipinakitang imahe ng Pilipinas sa mga dumagsa sa bansa para saksihan ang prestihiyosong palaro. Sana’y magdilang anghel si Mr. Genuino.

Nabigo man tayong makuha ang pang-unang pu-westo sa torneo, nakatulong nang malaki ang WPC sa pagbi­bigay ng positive exposure  sa Pilipinas before the eyes of the world. In this premise, umaasa si Genuino na patuloy pang daragsa ang mga dayuhang turista sa bansa.

More power to PAGCOR and its effort to put up great tou­rism facilities sa bansa para makaakit ng mga dayuhang gagastos ng dolyares sa Pilipinas and effectively boost our economy. Ang pinakakaasam-asam ko ay ang kumplisyon ng Entertainment City na tataguriang Bagong Nayong Pilipino na natalakay na natin kamakailan. Bukod sa dolyares na maipagkakaloob ng proyekto, excited din tayo sa laksa-laksang trabahong maibibigay ng proyekto para sa ating mga kababayan.

vuukle comment

AYON

BAGONG NAYONG PILIPINO

CHAIR EFRAIM GENUINO

ENTERTAINMENT CITY

MR. GENUINO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with