^

PSN Opinyon

‘Moral revolution’ sa gobyerno

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MAGANDA ang mungkahi ni Speaker Jose de Venecia kay President GMA na kailangan na ng “moral revolution” sa gobyerno. Ibayong paglilinis sa gobyerno maging ito ay sa executive, legislative at judiciary at mga local na pamahalaan.

Nang marinig ko ang mungkahi, hindi ko kaagad binigyang-pansin. Kasi’y beteranong pulitiko si De Venecia at isa sa mga nagpapatakbo ng pamahalaan na pinu­putakte ng mga anomalya. Ngunit ngayong nag-aaway si De Venecia at mga kasamahan sa adminis­trasyon, mukhang hanggang leeg na rin ang kasamaang nararam­daman ng speaker kaya “moral revolution” na ang kanyang panawagan.

Sumang-ayon ang  Catholic Church sa pangunguna ni Ricardo Cardinal Vidal, Mike Velarde ng El Shaddai, Eddie Villanueva ng Jesus is Lord, Bishops Benny and Reuben Abante at iba pa.

Sinabi ni De Venecia na iminungkahi niya kay GMA   na mag-create ito ng high level council on moral reform and national renewal para malabanan ang corruption. Kung papayag si GMA sa mungkahi ni De Venecia, maganda ito. Isa pa rin na gusto kong malaman ay kung ano ang magiging kasagutan ni GMA sa sinabi ni De Venecia na “The first test of wisdom is to tell the truth. But first is to admit that we are all sinners.”

Naniniwala ako sa “moral revolution”. Dapat itong mangyari sa bansa. Bow ako kay speaker sa panukala niya. Kailangang umpisahan na ni GMA katulong ang    mga naninilbihan sa pamahalaan. Sinabi pa ni De Venecia  “This is the final hope for our country, our people and our children.”

BISHOPS BENNY AND REUBEN ABANTE

CATHOLIC CHURCH

DE VENECIA

EDDIE VILLANUEVA

EL SHADDAI

MIKE VELARDE

RICARDO CARDINAL VIDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with