^

PSN Opinyon

Mga pulis sa Abad Santos station nasa payroll ng drug dealer na si Ric Taga

- Bening Batuigas -

LUMUTANG na naman ang pangalan ng isang kilabot na drug dealer ng Tondo, Manila. Ito ang naging usap-usapan ngayon sa mga presinto matapos tumuga ang isang opisyal ng pulisya na umayaw sa alok na P10,000 kada linggo, he-he-he! Humanga ako sa katapatan ng pulis matapos umayaw sa atik at nagtapat pa sa kanyang amo.

Ayon sa mga kausap kong pulis, labis na ang kanilang pagkabahala na kapag nagpatuloy ang operasyon ng droga sa naturang lugar ay muling tataas ang kriminalidad.

Ang tinutukoy na drug dealer na namamayag­pag muli ay si Ricardo Saavedra, alias “Ric Taga” na nakabase sa Herbosa, Tondo. Naka-payroll na umano ang halos lahat ng mga matataas na opisyal ng kapulisan sa Abad Santos police station sa halagang mula P10,000 hangang P50,000 kada linggo, he-he-he! Dapat hubaran ng uni­porme ang mga pulis na nasilaw sa salapi para hindi na sila pamarisan ng iba pa! Get n’yo mga suki?

Itatago ko muna ang mga pangalan ng mga sangkot na pulis upang mabigyan ng sapat na panahon si Manila Police District director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales habang ginaga­wa ang masusing imbestigasyon.

Nag-ugat ito mga suki dahil sa paglutang ng isang police major matapos alukin ng halaga para luwagan ang panghuhuli sa mga pinaghihina­laang pusher sa tinaguriang “airport”.

Hindi umano nagustuhan ni Major ang alok sa kanya sa dahilang hindi niya linya ang pumatong sa droga kaya siya’y tinatakot ng mga opisyal na pasok na sa grupo.

Lingid sa kaalaman ng grupo, agad na nagtu­ngo si Major sa tanggapan ni Director Rosales at ipinagtapat ang lahat ng kanyang nalalaman. Bago pa man siya nagtungo kay Rosales ay     may nauna nang pinagsabihan si Major at ito’y nai-voice record.

Naipagtapat din ni Major na ilang beses na siyang pinagsabihan ni Ric Taga na i-turn-over na lamang ang kanyang mga nahuli sa PS-7 at may mga tauhan na siya roon na nag-aabang upang maisaayos.

Noong una umano ay sumusunod siya dahil na rin sa utos ng mas nakakataas sa kanya, subalit ilang oras lamang umano ang naitatagal ng mga suspek sa naturang presinto at naka­kalaya rin agad.

Minsan pa umano, nakahuli siya ng dalawang drug pusher at agad niyang ikinulong subalit nang hingin sa kanya ang mga nakumpiskang shabu ay kanya namang ibinigay at ng malaunan ay nalaman niyang pinalitan ang mga ito at naging negatibo sa laboratory test.

Kung kaya ang nadakma niyang pusher ay personal niyang dinala sa hepe ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID) na si Supt. Rodireck Mariano.

Mula noon, naging mainit na siya sa grupo at madalas na siyang takutin kaya ipinaubaya na niya kay Rosales ang lahat ng kanyang nala­laman.

Gen. Rosales sir, gumawa ka na ng hakbang para masawata ang mga pulis na patong kay Ric Taga. Sibakin mo na ang mga ito at upakan na si Ric Taga para hindi na makalusot.

Manila Mayor Alfredo Lim, Sir, kumilos ka sa iyong kinatutulugan. Ipakita mo sa Manileño na may asim ka pa. Drug free ang nais mo sa Maynila di ba? Ito na ang panahon para ipakita mo ang bagsik bilang Dirty Harry. Kastiguhin    mo ang mga pulis na sangkot sa droga sa iyong lungsod.

Pakinggan mo ang voice record ni Major upang malaman ang katotohanan.

Abangan! 

ABAD SANTOS

CHIEF SUPT

DIRECTOR ROSALES

DIRTY HARRY

RIC TAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with