^

PSN Opinyon

Walang mangyayari sa suhulang nangyari sa Palasyo

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

NALAMAN kong pina­tigil na ni GMA ang im­besti­gasyon ng Presi­dential Anti-Graft Com­mission sa pamu­mud­mod ng pera sa mga kongresista, go­ver­nors, mayors at iba pang mga local offi­cials. Mali raw na ang PAGC ang mag-imbes­tiga sapagkat hindi nito sakop ang mga miyem­bro ng Kongreso.

Si GMA ang nag-utos noon na gumawa ng pag­sisiyasat ang PAGC sa nabukong pamimigay ng pera sa mga ka­alya­dong opis­yal ng gobyerno. Hindi ko nagustuhan ang ak­syon ni GMA sapagkat ang PAGC ay nasa ila­lim ng Office of the Pre­sident. Anong kla­seng imbesti­gasyon ang gagawin ng PAGC? Paano kung sang­kot si GMA sa suhu­lang ito? Pwede bang utusan ni GMA na imbes­tigahan ang kanyang sarili at kung nagkasala ay pa­ru­sahan ang kan­yang sarili? Kalokohan ito.

Ipaubaya na la­mang daw sa Ombuds­man ang pag-iimbes­tiga sa eskan­dalong ito. Pero baka wala na namang mang­yari sa kasong ito. Da­lang-dala na ako sa pi­nag­gagagawa ng Om­buds­­man. Ni isang ka­song hinawakan ng Om­budsman ay wala pa akong matandaang binig­yan ng matinding kaparu­sahan.

Malaki ang aking pa­ni­wala na walang mang­­ya­yari sa kaso ng pamu­mudmod ng pera.

Lahat halos ay ne­ga­tibo ang tingin sa Arroyo ad­ministration. Marinig lamang ang apelyidong Arroyo ay masama na kaagad ang iniisip. Nang­hihi­na­yang naman ako sapagkat alam kong ma­buti at matalino si Presi­dent Arroyo. Ki­lala ko na si GMA noon pa mang bata pa siya. Nakikita ko siya noon sapagkat tumu­long ako sa pangangam­panya ng ama niyang si Pre­sident Diosdado Ma­capagal. Nakapanghi­hinayang talaga!

ANONG

ANTI-GRAFT COM

DIOSDADO MA

GMA

IPAUBAYA

KALOKOHAN

OFFICE OF THE PRE

PRESI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with