^

PSN Opinyon

Tama na ang bayarang testigo

- Al G. Pedroche -

MAY eksposey si Rep. Monico Puentebella tungkol sa isang bogus na testigo na binayaran umano ng isang anti-GMA Solon ng P5 milyon para tumestigo laban kay Presidente Arroyo sa kontrobersyal na ZTE-NBN deal.  Nakuha raw ni Puentebella ang impormasyon mula sa kanyang reliable sources.

Umpisa na naman ngayon ng pagsisiyasat ng Senado sa ZTE-National Broadband Project. Wala tayong tutol sa pagsisiyasat kung may mabuting layunin. Pero tama na sana ang paglalantad ng mga pekeng testigo. Seryo­song isyu ang iimbistigahan kaya seryosohin ang proseso for credibility sake. Sabi ni Puentebella, idadawit daw ng bayarang testigo ang Pangulo sa overpricing ng NBN cost mula $262 milyon na naging $329 milyon.

Ang anti-GMA Solon, ani Puentebella ay kilalang-kilala sa pagpapalutang ng mga “bayarang testigo” sa mga congres­sional hearings. Madalas umano itong tuligsain ng kapwa mambabatas dahil sa kanyang “leading questions” sa mga testigo. Ang “handler” daw ng  taong ito’y dating kasapi sa “midnight cabinet” ni ex-President Estrada.

“This is a grand conspiracy whose progeny can easily be traced by just looking at those pulling this guy’s string” anang Kongresistang senior vice chairman ng House trans­portation committee. Kahit ibinasura na ng Pangulo ang kontrata sa ZTE, the issue  still probably merits a serious probe. Pero sana huwag ha­luan ng pekeng testi­monya ang imbesti­gas­­yon para maging ka­pani-paniwala.

Sabi ni Puentebella, ang testigo ay nauna nang inimbestigahan ng Om­buds­man at tinanggal bilang opisyal ng Telepono sa Ba­rangay (TSB) project noong 2001 dahil sa ma­anomalyang tran­sak­syon.  Siniyasat din umano ng Senado ang taong ito ka­ugnay sa Philippine Com­muni­cations Clearing­house Inc. scam. Ang “tes­tigo” ay dating em­pleyado ng Arescom at ng ZTE Corp. ng China, ngunit sini­bak dahil nagli-leak  daw sa Ams­terdam Holdings Inc. (AHI) ng detalye ng NBN proposal ng ZTE.  Ang AHI ay ang korpo­rasyon ng “whistle blower” na si Joey de Venecia, anak ni Speaker Jose de Venecia.

In view of all these, nananalig ako sa wis­dom ng Senado na kilanlin ang isang tainted witness sa hindi.

HOLDINGS INC

MONICO PUENTEBELLA

NATIONAL BROADBAND PROJECT

PANGULO

PUENTEBELLA

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with