^

PSN Opinyon

Governor Ed, suhol po ‘yon

SAPOL - Jarius Bondoc -

PARING Katoliko si Gov. Ed Panlilio ng Pampanga. Kura paroko siya sa bayan ng Betis bago mahalal bilang pinuno ng isa sa pinaka-maunlad na lalawigan sa bansa. Sanay siya sa buhay ng kleriko. At kasama na roon ang pag­tanggap ng pera mula sa kung sinu-sino, para sa kanyang mga gawaing pang-relihiyon.

Nang abutan si Governor Ed sa Malacañang ng    P500,000, tinanggap niya ito bilang karaniwang kontribus­ yon. Ni hindi niya raw matandaan kung sino ang nagbigay sa kanya ng gift bag na pinaglagyan ng mga bagong tig-P1,000 papel. Basta naisip na lang daw niya na aminin ang pagtanggap ng maraming pera mula sa galanteng tao.

Apat na buwan nang nasa puwesto si Governor Ed. Sapat na panahon na dapat iyon para mabatid niya ang malaking kaibahan ng perang Simbahan at perang Estado. Inabutan siya ng pera sa hardin ng Malacañang hindi bilang pari kundi bilang local official. Ang okasyon sa Malacañang ay pulong ng Governors League of the Philippines at Union of Local Authorities of the Philippines. Ang mga kasama niya doon ay mga kapwa-gobernador, pati mga mayor at iba pa.

At, taliwas man sa pananaw ni Governor Ed, suhol ang ibinigay sa kanya —– hindi abuloy. Siya na mismo ang nagsabi. Hindi naman mga gawaing simbahan ang pinag-usapan nila sa Malacañang, kundi pulitika. Nagkaisa raw sila na huwag makialam sa impeachment case laban kay Presidente Gloria Arroyo. Kung susuriing mabuti ni Governor Ed ang kasunduan, makikita niyang pabor ito kay Arroyo, dahil hindi lalaki ang isyung impeachment kung saan nagkasuhulan din para sa endorsement ng mga kongresista. ‘Yan ang dahilan ng pamamahagi ng Malacañang ng tig-P500,000 kada gobernador. (Hindi lang si Governor Ed ang naabutan.)

Dapat kasuhan ni Governor Ed ang nanuhol. Tung­kulin niya ito bilang opisyal. Hinalal si Governor Ed dahil sawa na ang mga Pampanggo sa bulok na pulitikang pinairal ng sapin-sapin na pinuno. Sana huwag niya basagin ang tiwalang ipinataw sa kanyang balikat.

ED PANLILIO

GOVERNOR

GOVERNOR ED

GOVERNORS LEAGUE

MALACA

NIYA

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with