^

PSN Opinyon

10 taon na ang HALA BIRA!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

ANG bilis talaga ng panahon. Sampung taon na ang HALA BIRA ngayon mula nang lumabas sa Pilipino Star NGAYON nuong Oktubre 20, 1997. Noon pa man ay naki­kita na ang patuloy na pagpatok ng PSN sapagkat mahu­say at may reputasyon ang mga namamahala nito na pinamumunuan ni Mr. Miguel G. Belmonte, president at Mr. Al Pedroche, editor-in-chief. Tinatangkilik ang PSN dahil may kalidad ang format at contents.

Walang pinapanigan at walang pinoprotektahan. Ipi­nagmamalaki ko na hindi dinanas sa 10 taon kong pag­susulat ng column ang pagpapatigil sa nais kong isulat o di kaya naman pinakiusapang huwag birahin o sulsulang atakehin ang sinuman.

Nagpapasalamat ako sa pagkakataong ibinigay sa akin ng pamunuan ng PSN upang maisakatuparan ang aking tungkulin bilang responsableng mamama­hayag. Lubos ang aking paniniwala na hindi magba­bago ang magandang panuntunan ng PSN upang hin­di masira ang pagtitiwala ng taumbayan at mga taga­subaybay.

Ang nakakalungkot nga lamang, hindi pa rin nagba­bago ang kalagayan ng Pilipinas mula noong magsimula ang HALA BIRA sa PSN 10 taon na ang nakararaan. Patuloy pa rin ang graft and corruption, patayan, jueteng, droga, pulitikahan, terorismo at iba pang kaguluhan. Lalong tumitindi ang suhulan na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Sa tingin ko, patuloy na masusubukan ang PSN sa paglalathala at pagbatikos sa mga gumagawa ng kati­walian. Magpapatuloy naman ang HALA BIRA na gampanan ang tungkulin sa pagpuna sa mga guma-gawa ng katiwalian at kasamaan. At kung bumibira ang HALA BIRA, marunong din namang pumuri sa mga gumagawa ng kabutihan sa bansa.

vuukle comment

BELMONTE

IPI

LALONG

LUBOS

MAGPAPATULOY

MR. AL PEDROCHE

MR. MIGUEL G

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with