^

PSN Opinyon

Si Supt. Rommel Salac at ang video operator sa San Miguel

- Bening Batuigas -

DAPAT imbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Avelino Razon Jr. ang balita na mismong ang hepe ng pulisya ng San Miguel, Bulacan na si Supt. Rommel Salac ang nasa likod ng malawakang operation ng video karera sa bayan niya. Kalat na kasi sa Bulacan ang balita na si Salac at ang kasosyong si Gerry Dugo ang may-ari ng mga nakalatag na makina sa bayan ni Mayor Roderick Tiongson. Pero sa katotohanan, itong mga makina nina Salac at Gerry Dugo ay mga nakaw. Ang tagapamahala ng makina nina Salac at Gerry Dugo mga suki ay ang pulis na si alyas Borja, ang kolektor ng lingguhang intelihensiya ng una sa lahat ng uri ng sugal sa San Miguel nga. Dapat iwasiwas ni Razon ang kamay na bakal niya laban ke Salac para hindi na siya pamarisan pa ng kapwa opisyal niya sa PNP. He-he-he! Trabaho muna hindi panay pera ang inaatupag!

Kung sabagay, ang ninakaw na makina ni Salac ay kay Buboy Go, na matagal nang wanted sa akin. Bunga sa away  kasi nina Bulacan Gov. Junjun Mendoza at hepe ng pulis­ya sa probinsiiya na si Sr. Supt. Asher Dolina, nag-utos itong una na hagilapin ang mga makina at ang siste nito isang dosena ang nakumpiska ke Buboy Go. Subalit lima lang ang idineklara ng huli. At ang pitong makina ay inilatag ng magkasosyong Salac at Gerry Dugo sa mga barangay ng St. Joseph, Sta. Rita, San Juan, Tapales, Buliran, Poblacion at Tigpalas at sa ngayon ay kumikita na ito ng limpak-limpak na barya ng mga durugista. Abot mo Gen. Razon Sir?

Kaya habang lumalala ang away nina Gov. Mendoza at Col. Dolina ang kumikita ay ang magkasosyo na Salac at Gerry Dugo. Kasi nga hindi napapansin ng dalawang mataas ng opisyales ng gobyerno ng probinsiya ang illegal na negosyo nila habang umiinit ang bangayan nga nina Mendoza at Dolina.

Ang huling balita ko, ipinarating na ni Mendoza kay President Arroyo ang kahilingan nito na walisin na ang kapit-tuko sa puwesto na si Dolina na sanggang-diin naman kay Interior Sec. Ronaldo Puno. Sa tingin ko naman, habang naka-glue si Dolina sa puwesto niya, ang nasisira ay ang imahe ng PNP, di ba Gen. Razon Sir? At alamin din ni Razon kung magkano ba talaga ang dahilan… este ano ba talaga ang dahilan kung bakit kapit-tuko si Dolina sa puwesto eh ayaw na sa kanya ng taga-Bulacan?

Abangan!

BUBOY GO

BULACAN

CITY

GERRY DUGO

MENDOZA

PLACE

RAZON SIR

SALAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with