^

PSN Opinyon

Hindi marunong lumingon sa pinanggalingan si Pacman!

- Bening Batuigas -

NADISMAYA ang Manileños nang hindi siputin ni people champ Manny “Pacman” Pacquiao ang magarbong pagsalubong na inihanda ng mga taga-Manila City Hall at mamamayang nagdasal sa kanya para maipanalo ang laban kay Antonio Barrera.

Labis ang kalungkutan ng Manileños matapos umi­ was si Pacman sa paradang inihanda sa kanya. Naka­limutan na yata ni Pacman na siya ay ampon ng pama­halaang lungsod ng Maynila, he-he-e! Ang hindi daw marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi maka­rarating sa paroroonan.

Utak pulitika na rin ang umiiral kay Pacman kung dis­mayado ang Manileños sa kanya. Dapat sana ma­tutong lumingon si Pacman sa Manileños dahil sa may ilang beses na rin itong ipinaparada sa mga lansangan sa tuwing siya’y umuuwi sa bansa dala ang karangalan.

Nasanay na ang mga tao na makikita siya sa maga­rang float na iginagala sa halos lahat ng sulok ng Maynila. Ngunit ngayon tila nagbago na si Pacman dahil ang kan­yang sinipot nang siya’y dumating ay ang kan­yang itinu­turing na ama na si dating Mayor Lito Atienza.

Hindi kuntento ang Manileños sa naging tugon ng business manager ni Pacquiao na si Eric Pineda, “Kindly inform the good Mayor Alfredo Lim that much as Manny would want to, there has been prior commitments    made already. Maybe we can do it on his next fight. Thanks”. Aasa pa ba ang mamamayan ng Maynila, di na oy! He-he-he!

Umiba na ang hangin sa ulo ni Pacman kaya ang  lahat ng nagmamahal sa kanya ay unti-unti nang lalayo sa kanya. Kaya marahil umiiwas si Pacman na makada­ upang palad si Lim ay dahil tinibag nito ang kanyang bantayog sa Bay walk kung saan makikita ang kanyang Knockout Bar, he-he-he! Pikon pala itong si Pacman  kung ganoon, di ba mga suki?

Kaya naman pala tinibag ni Lim ang lahat ng mga esta­blisimento sa naturang lugar ay sa dahilang di pagbabayad ng concessionaire’s fees na umaabot sa P7 million kabilang dito ang kay Pacman na may kabu­uang P120,000.00. Malaking halaga pala ito kung mababayaran at tiyak mara­ ming proyektong ma­papa­kinabangan ng Mani­leños.

Kung matapang si Pac­man sa larangan ng Boxing natitiyak ko rin na mata-pang din si Lim sa pag- sug­po ng mga kriminal at korap sa pama­halaan.

 Ito na kaya ang mitsa upang muling kubkubin ni Lim ang lahat ng mga kati­walian ng nagdaang ad­ministrasyon. Sige, Ma­yor Lim, halungkatin mo  ang lahat ng mga proyek­to ng nagdaang adminis­trasyon at baka sakaling may ma­kita kang magan­dang dahilan upang ma­sam­pahan ng kaso.

Abangan!

ANTONIO BARRERA

MANILE

MAYNILA

PACMAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with