^

PSN Opinyon

Umiwas sa patibong ng road rage!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

(Ikalawang Bahagi)

NARITO ang ilang tips mula kay Col. Nelson Yabut, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit–Manila Police District, kung papaano makaiiwas sa patibong ng road rage.

UNA, kontrolin at kalmahin ang sarili. Libangin ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig ng music habang nagmamaneho.

Sa ganito raw paraan, hindi magiging alintana ng isang motorista ang nakabubuwisit na sitwasyon ng trapiko.

IKALAWA, makinig at alamin ang kasalukuyang traffic reports. Dito makaiiwas ang motorista na dumaan sa masikip at mata-traffic na lugar na magiging balakid sa kanyang biyahe.

IKATLO, maging pasensiyoso. Huwag magpaapekto sa kasalukuyang nangyayari sa kalsada. Ang mainit na panahon at traffic ay parte na ng pang araw-araw ng transport system ng Pilipinas.

IKAAPAT, sumunod sa batas trapiko. Ang road rage ay palaging resulta ng pagiging pasaway nang maraming motorista partikular ang paglabag ng mga ito sa mga simpleng batas trapiko.

May ilang kapwa motorista na apektado ang gumagawa ng aksiyon para kondenahin ang ilang mga pasaway. Subalit ang resulta, bayolenteng kumprontasyon at engkwentro o road rage!

Kaya’t huwag maging pasaway sa kalsada, maging responsableng motorista sa lahat ng oras.

Kung sakaling nasa sitwasyong may isang motorista nang galit na galit at handa nang makipag-away dahil naungusan mo siya sa trapiko…

UNA, huwag na huwag pumatol sa motoristang kaha­rap at nagngingitngit na sa galit. Iwasang makipag eye to eye contact na maaaring maging mitsa ng pagkaka­sa­kitan.

PANGALAWA, lumapit o tumawag sa pinakama-  lapit na traffic enforcer, police o officer  upang may  ma­­ma­gitan sa away at ko-      mos­yon sa kapwa motorista.

PANGATLO, sakaling bu­ma­ba na ang nagnga­-nga­­lit na driver at may ha­ wak itong kung anong weapon na maaaring ma­ka­panakit, i-lock ang pin­tuan ng inyong sasakyan.

Sa puntong ito’y hindi kaagad-agad ito makaka­panakit at makakakuha pa ng atensiyon ng ibang moto­rista upang umawat at ma­magitan sa nangyayari.

Ilan lamang ito sa mga tips na maaaring gawing pamantayan ng isang moto­rista upang makaiwas sa sitwasyon ng road rage.

Mga simpleng panuntu­nan na walang mawawala kung susundin ng bawat motorista. Ito’y mga pag-iingat lamang upang ang mga maliliit na problemang pangkalsada ay hindi na mauwi pa sa madudugong engkwentro.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

IKALAWANG BAHAGI

MANILA POLICE DISTRICT

MOTORISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with