^

PSN Opinyon

‘Moro-moro impeachment?’

- Al G. Pedroche -

ANO ba naman itong impeachment complaint na iniharap ni Atty. Roel Pulido laban kay Presidente Arroyo sa Mababang Kapulungan? Sabi nga ni Makati Rep. Teddy-Boy Locsin, mas maraming akusasyon sa reklamo laban kay House Speaker Joe de Venecia kaysa kay Mrs. Arroyo. Sino ba ang gustong ma-impeach ni Pulido, si GMA o si JDV? Ha-ha-ha! Ito’y tungkol pa rin  sa kontrobersyal na ZTE broadband deal.

Hinala tuloy ng marami,  ito’y taktika ng Malacañang para siguruhing mahina ang kaso at masu-swak sa basurahan. Dumarami ang kauri ni Atty. Oliver Lozano. Tuwing may mabigat na isyu laban kay Presidente Arroyo ay nakikipag-unahang mag-file ng reklamo. Hindi bale kung seryoso at may ebidensya, pero hindi. Ang talagang layunin ay harangin ang mas seryosong impeachment  at isalba ang inirereklamong opisyal.

Ang tanging argumento ni Pulido sa dalawang pahinang reklamo ay “ipinagkanulo ng Pangulo ang tiwala ng taumbayan” nang aprobahan ang isang illegal na transaksyon. Ito’y matapos ipagtapat sa kanya ni dating NEDA Chief Romy Neri na tinangka siyang suhulan nang P200 milyon ni COMELEC Chairman Abalos para apro­ bahan ng NEDA ang proyekto. Pero sa kabila nito, pina­yagan pa raw ng Pangulo na umariba ang proyekto at sinabi pang tularan na lang ang proposal ng negosyanteng si Joey de Venecia, anak ni Speaker Joe de Venecia.

Higit na idinidiin ni Pulido sa “krimen” ang mag-amang JDV. Pinagbabawalan daw sila ng batas na pumasok sa transaksyon sa gobyerno porke mataas na opisyal sa pamahalaan ang nakatatandang de Venecia. Lalung gumugulo at nababaon sa misteryo ang broadband controversy.

Isa raw “emisaryo” ng Malacañang ang nag-alok ng P2 milyon sa mga Mam­babatas para i-endorso ang mahinang reklamo ni Pu­lido. Kabilang daw sa ina-lok ay si Anak-Pawis Rep. Crispin Beltran na agad tumanggi.  Ang tinukoy na  “briber” ni Beltran ay si Atty. Francis Ver, deputy secretary general ng KAMPI. Kung totoo ito, aba’y ma- pu­rol pala ang ulo ni Ver.    Of all people, bakit si Bel­tran ang tatangkaing su­hulan?  Oo nga’t kapani-paniwala kung si Beltran ang mag-eendorso sa rek­lamo, pero mas malamang itong tu­mang­gi porke mili­tanteng maka-kaliwa ang takbo ng isip. Pihong maibo-brodkas pa sa buong da­igdig ang maitim mong balak.

Mukhang maraming “reversed psychology” ang ginagamit sa political psy-war na ito.

ANAK-PAWIS REP

BELTRAN

CHAIRMAN ABALOS

PRESIDENTE ARROYO

PULIDO

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with