TINUPAD noong Lunes ni Benjamin Abalos Sr. ang matagal nang hinihingi ng marami. Nag-bitiw na siya bilang chairman ng Commission on Elections. Ayon kay Abalos, masyado na raw apektado ang kanyang pamilya at ayaw niyang madamay pa ang Comelec sa ginagawang paninira sa kanya ng ilang tao. Nang buong bansa siguro, Chairman. Matagal na matagal nang sira ang pangalan ni Abalos sa publiko. Pasensiya na po sa pananalita pero, makapal na makapal na ang tingin sa balat ni Abalos nang nakakaalam ng mga isyung kina sangkutan niya.
Sa totoo lang, mali ban sa ZTE Broadband project scandal, mayroon pang MegaPacific contract kung saan P1.3 bilyon na pera ng bayan ang napunta sa wala dahil may anomalya rin ang bidding. Eh yung nangyaring lan- tarang dayaan sa eleksiyon sa Mindanao noong Mayo? At marami pa…
Nirespeto naman daw ng Palasyo ang desis-yon ng kontrobersyal na opisyal. Ayan, ma-saya na kayo? Sa katunayan, marami ang hindi pa masaya at kuntento.
Siguradong sari-sari ang opinyon tungkol sa pagbibitiw ni Abalos. Nandyan na ang ayaw lang kasi nitong humarap sa siguradong impeachment sa Kongreso, para hindi na masangkot ang Presidente sa ZTE/NBN deal controversy, dahil bistadong-bistado na, dahil kumita na, dahil nilaglag na ng Presidente at ng administrasyon at kung anu-ano pa. Hindi masisigurado ng administrasyon na hindi mapapa-impeach si Abalos dahil malakas pa rin ang hawak ni Speaker de Vene cia sa mga tao niya roon. Pero kung mag-resign si Abalos at ihabla sa Ombudsman, marami ang naniniwala na mas hawak ng Malacañang ang Ombudsman kaysa sa napakaraming congressman. Pero ayon kay Abalos, ang kan yang pagbibitiw ay hindi pag-aamin sa mga binibintang sa kanya, at hindi rin dahil lumalayo na siya sa mga isyu. Sa katunayan pa raw, mas may panahon na siya para harapin ang lahat ng mga nag-aakusa sa kanya. Baka nga naman mataon sa bayarang huwes eh baka maipanalo pa nga naman ni Abalos ang kaso laban kay Romy Neri at Joey de Venecia. Humirit pa talaga.
Hindi pa raw tapos ang laban. Eh ganun na rin nga ang sigaw ng marami, na hindi makukuntento sa pagbibitw lamang sa pwesto. Kailangan managot siya sa mga umano’y kasalanan niya sa bayan.
Siguradong hindi pa sarado ang libro ng buhay ni Benjamin Aba los. Marami pang kabanata ang masusulat. Magpapahinga lang sandali ang mga manunulat. Sanggang-dikit si Abalos kay First Gentleman Mike Arroyo, aminin na kasi. Kumbinsido ako na magkasama si First Gentleman at Abalos dito sa broadband project na ito. Hindi naman basta pa pabayaan ni FG si Abalos. Maaaring pahiya muna siya ngayon pero, excuse me, hindi kaya marami na naman siyang kinita sa lahat ng ito? Wala nga lang ang inasam-asam na malakihang pang-retirement, ayon sa mahiwagang pipit sa aking bin-tana. Hindi pa tapos ang nobela. May balik pa nga raw ito kay Speaker Jose de Venecia na pinag-uusapan na raw sa Kongreso na tatanggalin sa pagiging Speaker. Nakikipag-meeting na nga raw sina Manny Villar, Ping Lacson at De Vene cia, kanta pa rin ng pipit. Pinaaalam ko pa sa pipit kung ano ang niluluto ng grupo.
Pero huwag kang magmamadali ng pagbalik sa eksena, Chairman. Sa totoo lang, hindi ka namin mami-miss. Hinding-hindi talaga.