^

PSN Opinyon

Para sa mangongotong ng Quiapo na si Rey Nicolas!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

WALA sa bokabularyo ng BITAG ang makipagkita, makipag-usap at makipag-areglo sa mga taong tinatrabaho at natrabaho na ng BITAG! Matindi ang aming krusada laban sa tinatawag na “envelopmental journalism”.

Eto ang prinsipyong itinatak na ng aming grupo sa larangan ng serbisyo publiko at paglalantad ng katotohanan.

Marami na ang nagtangkang lumapit sa BITAG at nagma­ma­kaawang tigilan na ang laban. Subalit ang mga paglapit na iyon ang lalong nagpapahamak sa kanila mismo.

Katulad ng sikat na mangongotong na si Rey Nicolas, ang pinuno ng Task Force Quiapo. Imbes na katahimikan at kaayu­san ang asikasuhin sa lugar, “pangongotong” sa mga pobreng manghuhula ang inaatupag.

Dinadagsa ang BITAG ng mga tawag at sandamukal na text messages mula sa aming hotline na nagsasabing “naa­reglo at nakausap” na raw ni Rey Nicolas ang BITAG.

Noong nakaraang Setyembre inilabas namin sa BITAG ang aktibidades na garapalang pangongotong ng mga buwa­yang sina Rey Nicolas at Caloy Chan sa mga manghuhula sa Quiapo.

Ang sitwasyon ngayon, hindi lang mga pobreng mang­huhula ang nagrereklamo sa BITAG ngayon kundi pati mga maliliit at malalaking vendors sa Quiapo, Manila.

Ayon sa mga natatanggap naming tawag at text messages, tuloy pa din ang kawalanghiyaan ni Rey Nicolas at Caloy Chan.

Pagmamayabang pa raw ng kumag na si Nicolas naka­usap na raw ang BITAG, nabayaran at naareglo para tumigil na kami sa paglalantad ng kanyang pangongotong.

Itong unggoy na si Nicolas, hindi pa man namin naipal­a­labas sa BITAG ang segment ng pangongotong sa Quiapo, panay na ang contact sa aming tanggapan.

Parang maamong tupang, sasayad na ang baba niya sa pagmamakaawa tantanan lamang siya. May pa-text-text pa nga ito na naospital daw ang kaniyang ina dahil nabasa ang mga nauna naming paglalantad ng kanya sa kolum na ito.

Subalit bigo itong makatapak at makipagpakita ng kanyang anino sa BITAG Headquarters. Kung hindi ka ba naman talaga hinayupak Rey Nicolas, ikaw mismo ang gumagawa ng dahi­lan para matodas ang iyong ina.

Nakarating na sa amin ang bagong pinagkakaabalahan mo ngayon, ang mag-story telling.

Sige lang, lalo kang maiipot-ipot sa iyong karsunsilyo dahil hinding-hindi ka na lulubayan at titigilan ng BITAG dahil umpisa na ng pagsisikip ng iyong mundong ginagalawan.

BITAG ang iyong bangungot. Nalalapit nang mahulog ka sa aming patibong at matuldukan ang iyong pangongotong!

 

BITAG

CALOY CHAN

NICOLAS

REY NICOLAS

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with