^

PSN Opinyon

‘Ginang tatlong oras pinaglaruan ng mga manyak’

- Tony Calvento -

MAHIRAP MAGTIWALA sa mga lalake na kahit kaibigan natin o kuya ang tawag kapag ito’y naka-inom na. Walang isang linggo ang lumilipas sa aming tanggapan na hindi kami nakakatanggap ng reklamo kung saan ang mga nasasangkot ay mga pawang lasing o lulon sa masamang bisyo hindi na naiiba ang kasong ito. Isang ginang sa kuko ng mga hayok na magbabarkada.

Nagsadya sa aming tanggapan ang biktimang itago na lamang natin sa pangalang Carmella, may-asawa, 26 taong gulang ng GMA, Cavite.

Ika-8 ng Setyembre 2007 dumalo si Carmella sa birthday ng asawa ng kanyang kapatid na si Beth Pineda. Nagkaroon ng kaunting salu-salo kung saan kasama rin niyang nagpunta doon ang kaibigan na si Margie Abragan. Kumain ang mga ito at pagkatapos ay uminom din ang mga ito. Matapos ang inuman nagpasya ang magkaibigang Carmella at Margie na umuwi na sa kani-kanilang mga bahay.

Sa pag-uwi ng magkaibigan, nadaanan nila ang grupo ng mga kalalakihan na nag-iinuman sa basketball court ng Brgy. Tirona, GMA, Cavite. Tinawag sila ng isa sa mga umiinom, si Ogie at inanya­yahan na tumagay. Ayon sa biktima nakadalawang tagay lamang sila ng kanyang kaibigan si Margie at pagkatapos sila ay umuwi na rin.

Habang naglalakad sina Carmella at Margie nakasalubong nila ang di-umano’y suspek na si Laudemer Salem alyas Muymoy. Nabigla na lamang ang biktima nang bigla siyang sinukmuraan ni Mumoy hanggang siya ay nawalan na rin ng malay ng mga oras na ‘yun. Samantala may dalawang metro naman ang layo ni Margie sa kanyang kaibigan kaya hindi naman nito namalayan ang mga nangyayari. Ayon sa salaysay ni Margie nakita niyang buhat-buhat na lamang ni Muymoy ang kanyang kaibigan. Sinabi nito na siya na lamang ang maghahatid kay Carmella sa bahay.

“Dahil sa lasing na rin ako ng mga sandaling ‘yun hindi ko na alam ang mga nangyari dahil nawalan ako ng malay ng sikmuraan niya ako,” kuwento ni Carmella.

Nang magkamalay na ang biktima nakita na lamang niya ang sarili na nakahiga sa damuhan at pilit na hinuhubaran ng damit. Pilit namang nanlaban ang biktima. Nagpupumiglas at nagma­makaawa kay Muymoy na huwag ng ituloy ang anumang balak nito. Subalit kahit na anong pakiusap niya ay hindi siya pinansin nito. Sinuntok naman siya sa nguso nito hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay.

Samantala nagkaroon din ng pagkakataon ang aming tanggapan na makausap ang kaibigan ni Carmella na si Margie. Inilahad nito sa aming radio program, ang HUSTISYA PARA SA LAHAT kung ano ang kanyang nasaksihan nung mga oras na kasama niya ang kaibigan. Sinabi nga nito na pinatagay sila ng grupo ng kalalakihan na nag-iinuman sa basketball court. Sinabihan siya nitong si Muymoy na siya na ang maghahatid sa suspek subalit nagtaka siya dahil sa ibang daan nito dinala ang kaibigan. Iba ang kanyang kutob kaya naman naglakas-loob siyang sundan ito.

Subalit pagdating sa isang madilim na eskinita hindi na nito matanaw si Muymoy at ang kanyang kaibigan hanggang sa hindi na niya ito nasundan dahil mabilis itong maglakad. Kasama namang naghanap ni Margie si Geroe Salem, kapatid ni Muymoy. Naisipan din nitong magpunta sa bahay ni Lea Deloso upang samahan naman silang magpunta sa bahay ni Jayson. Makalipas naman ng ilang sandali ay nagpaalam na si Lea na uuwi na siya sa kanilang bahay dahil walang kasama ang mga anak nito.

Sina Geroe at Jayson na lamang ang nagpatuloy sa paghahanap kay Carmella habang si Margie naman ay nagpaiwan na lamang sa bahay nina Jasyon. Wala pang isang oras na paghahanap kay Carmella bumalik ang dalawa at sinabing hindi nila makita ang biktima. Nagpunta naman si Margie sa bahay nina Diana. Umiiyak itong ikinuwento ang mga pangyayari. Nagpasama akong magpunta sa bahay ni Carmella upang ipaalam sa asawa nitong si Rafael ang nangyari.

Nang malaman ni Rafael ang nangyari sa asawa agad naman itong sumama kay Margie at silang dalawa na lamang ang napatuloy sa paghahanap. Nagpunta ang mga ito sa dulo ng bagong sementeryo dahil marami ang nag-iistambay sa lugar nagbakasali na rin sila subalit wala naman doon si Carmella. Pagbalik naman nila nakasalubong nila sina Geroe at Jeshnel. Nalaman naman nito mula kay Geroe kung nasaan ang biktima. Sinabi pa nito, ‘BIMBOL, DOON DINALA NI KUYA MUYMOY SI ATE CARMELLA.’ sabay turo nito sa baba ng bakanteng bahay.

Agad namang pinuntahan ni Rafael ang nasabing lugar habang si Margie naman ay nagpaiwan na lamang sa may malapit na kalsada. Nakita naman ni Margie na paparating si Muymoy kasama nito si Botong. Sinabihan ni Margie si Muymoy na ilabas na nito ang biktima dahil alam niyang si Muymoy ang huling kasama ng kanyang kaibigan. Pilit na pinapaamin ni Margie si Muymoy kung saan niya ito dinala subalit sampal lamang ang isinagot nito sa kanya. Hindi naman siya tumigil sa pagtatanong kay Muymoy subalit itong si Botong naman ang humarap kay Margie at sinabihang ‘HUWAG MONG GAGANYANIN ANG PINUNO NAMIN.’ Pagkatapos noon ay siya naman ang sumampal dito. Matapos noon ay nakita na lamang si Rafael at kasama na nito ang kanyang asawa na natagpuan sa sementeryo. Walang malay na nakahiga si Carmella sa may damuhan. Bukas ang zipper ng pants nito, lagot ang tali ng bra, putok ang nguso at may mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Hindi naman nagtagal ay natauhan na si Carmella. Sumisigaw ito na si ‘MUYMOY, SI MUYMOY, PAPATAYIN NIYA AKO AT REREYPIN AKO!’ Agad namang dinala ni Rafael ang asawa sa pinakamalapit na ospital at pagkatapos ay dumiretso sa himpilan ng pulisya upang ireport ang nangyaring insidente. Matapos makuhanan ng salaysay at reklamo ay agad namang umaksyon ang mga pulis na sina SPO2 Segundo Martinez, SPO1 Senon Freirez at PO1 Evangeline dela Paz. Nahuli at nakulong ang suspek na si Muymoy. Kasong Forcible Abduction ang isinampang laban sa suspek subalit ayon kay Carmella na kulang ang mga pahayag niya sa kanyang unang salaysay dahil sa labis na kahihiyan niya.

ABANGAN SA MIYERKULES ang buong pagtatapat na ginawa ni Carmella tungkol sa totoong nangyari sa kanya sa isang Sinumpaang Salaysay na ibinigay niya sa aming tanggapan EKSKLUSIBO, dito lamang sa “CALVENTO FILES” sa PSNGAYON.

Kung kayo’y biktima ng krimen o karahasan, maaari kayong tumawag sa aming tanggapan sa 6387285 o kaya’y magtext sa 09213263166 o sa 09198792854.

 

E-mail address: [email protected]

CARMELLA

MARGIE

MUYMOY

NAMAN

NITO

RAFAEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with